Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Anyo ng mga Tsino, nagiging bukas at may kompiyansa

(GMT+08:00) 2011-09-06 22:13:54       CRI

Walang duda, nagbabago nang malaki ang kasuotan ng mga Tsino, sapul nang isagawa ang reporma at pagbubukas ng Tsina sa labas noong 1978.

Bago nang taong iyon, ang kondisyon ng tirahan, pananamit at pagkain ay laging itinuturing na walang gaanong katuturang bagay sa buhay ng isang tao, at hindi ito binibigyang-pansin ng karamihan ng mga Tsino.

Kaya simple lang ang mga estilo at kulay ng damit ng mga Tsino noon. Ang mga lalaki't babae ay nakasuot lamang ng halos parehong tradisyonal na estilo ng damit. Ang pangunahing kulay ng mga damit ay itim, asul, kulay-abo at puti. Bihira kang makakakita ng mga taong nakasuot ng ibang kulay at ibang estilo ng damit.

Pero ngayon, maraming kulay at nakakaakit ang damit ng mga Tsino. Halimbawa, kung gusto mong makita ang mga naggagandahang mga babae o naggaguwapuhang lalaki, hindi na kailangang pumunta sa beach o mga sikat na lugar, puwede ka lang sa mga shoping mall, eskuwelahan, at higit sa lahat, sa kalye, makikita mo na ang mga ito.

Kasabay nito, nariyan na rin ang mga designer brands na gaya ng GUCCI, Chanel at iba pa. Sa mga nayon, nakarating na rin ang mga kilalang tatak na gaya ng NIKE, ADDIDAS, PUMA at iba pa. Ang mga ito ay fake, pero ito ay sumasalamin na alam ng mga Tsino ang mga fashion trends sa ibang bansa at madali nila itong matanggap dahil gusto nilang maging nasa uso.

Sa totoo lang, ang pagbabago ng damit ng mga Tsino ay isang bahagi lamang ng malaking pagbabago ng Tsina nitong nakaraang mahigit 30 taon, pero, ito ang nagpapakita ng pagiging bukas at may kompiyansa ng mga Tsino, hindi lamang sa kanilang hitsura, kundi sa pamumuhay.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>