|
||||||||
|
||
Ngayon sa mga pamantasan at kolehiyo dito sa Tsina, nakakakita kayo, hindi lamang ng mga estudyanteng Tsino, kundi maging ng parami nang paraming estudyante na galing sa iba't ibang panig ng daigdig. Dahil, kumpara sa noong nakaraang ilampung taon, ang kasalukuyang Tsina ay isang bukas at modernong bansa, pero may mahabang kasaysayan at maningning na kultura. Bukod dito, ang makayanig-daigdig na pagbabago nito, sa kabuhayan, pulitika, siyensiya at iba pa ay nakakatawag din ng malaking pansin ng buong daigdig.
Para sa karamihan ng mga dayuhang estudyante, ang Tsina ay isang bagong bansa na may mga bagay na pagkakaiba sa kanilang lupang tinubuan na gaya ng kultura, panahon, kaugalian at tanawin. Kaya hindi lamang ang wikang Tsino o Mandarin ang dapat nilang pag-aralan. Ang mga bagay na gaya ng kultura, pagkain, magagandang lugar ay karapat-dapat din nilang malaman sa kanilang pananatili sa Tsina. Halimbawa, ang Peking Duck, spicy food sa Sichuan, mga magagandang tawain sa Tibet at Xinjiang, at sining ng bayan na bihirang nakikita sa ibang lugar.
Tulad ng alam ng lahat, ang kapansin-pansing pagbabago ng Tsina ay nakakaakit ng pananaw ng buong mundo. Kaya ang mga estudyanteng dayuhan ay pumaparito sa Tsina para mag-aral, hindi lamang ng wikang Tsino o Mandarin, kundi maging business at iba pa. Dahil ngayon ang pagpunta sa Tsina ay hindi lamang pagliliwaliwr, kundi paghahanap din ng magagandang pagkakataon sa negosyo ng Tsina at ibang bansa.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |