|
||||||||
|
||
Noong nakararaang mahigit 30 taon, natamo ang kapansin-pansing bunga ng Tsina sa mga asepkto na gaya ng kabuhayan, pulitika, kultura, siyensiya, palakasan at iba pa. Pero, mayroon pa tayong isang bagay na dapat pagtuunan ng pansin, at ito ay ang proseso ng pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan ng bansa, palagiang tinitipon ng pamahalaang Tsino ang halos lahat ng mga available resources ng lipunan at pamahalaan para sa pagpapabuti ng kalidad ng pamumuhay ng mga mamamayan, pagbibigay tarabaho, pananaliksik, imprastruktura, paglutas sa mga malaking biglaang pangyayari, at pinakapangunahing isyu.
Sa katotohanan, ito'y nagpapakita ng natatanging elemento sa Tsina--mainam na sistemang pang-organisasyon o paraan ng pagpili at paghirang sa mga opisiyal.
Tulad ng sinabi ng Financial Times ng Britanya, ang pagpili at pagpapataas ng organization department ng CPC sa mga opisiyal ay maihahalintulad sa gawain ng isang malaking headhunting company na gaya ng paggamit ng pagsubok na sikolohikal at lihim na face talk sa mga katrabaho ng opisiyal. Ang pagpili at paghirang ng mga opisiyal sa Tsina ay alinsunod sa kanilang kakayahan, moralidad tagumpay, at karanasan, lalo na sa kakayahan sa pagpapasulong ng kabuhayan at lipunan. Bukod dito, gusto ring hikayatin ng pamahalaan ang iba't ibang uri ng mga talento na gaya ng mga dalubhasa, ekonomista, mangangalakal, at iba pa upang maging may kinalamang opisiyal.
Sa madaling sabi, ang ganitong paraan ay nakakatulong nang malaki sa pagpapataas ng lebel ng administrasyon ng pamahalaang Tsino at pagpawi ng korupsyon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |