|
||||||||
|
||
Dito sa Beijing o dakong hilaga ng Tsina, mas gusto ng mga taong ikakasal na idaos ang kanilang kasal sa weekend, dahil malaya ang kanilang mga kaibigan at kamag-anak. Mas madalas ding idaos ang ganitong seremonya sa umaga, o bago magtanghali, dahil sa tradisyonal na ideya, liban doon sa magdaraos ng second wedding, kung ikakasal sa hapon, hindi raw magiging maganda ang suwerte ng bagong kasal.
Bakit sinabi ko ang ganung kaugalian dito sa Tsina? Dahil sa kaninang umaga, ikinasal na ang ating happy DJ na si Ate Sissi at ito ay isang traditional Chinese wedding--pulang damit, fire works at masiglang atmospera. Congratulations at best wishes!
Para kay Ate Sissi, ang pagpapakasal ay nangangahulugan ng pagpasok ng kanyang buhay sa isang bagong yugto, pero, para sa programang Pop China, patuloy pa rin kaming magsisikap ni Ate Sissi para hatdan kayo ng magagandang awitin…
Bigyang-daan muna natin ang mga mensaheng SMS ng masusugid na tagasubaybay ng programang ito.
Sabi ng 919648XXXX: "thank you, Ate Sissi, sa noyelty item at sa paghahatid sa amin ng programang Pop China!"
Sabi naman ng 917401XXXX: "Gusto ko paraan ng pagdadala mo ng programa, Ate Sissi, very lively talaga, nakakaalis ng problema."
Salamat po sa iyong tagapakinig.
Ok, balik sa programa sa gabing ito. Bigyang-daan natin ang ilang romantic songs. Una, ang awiting First Lady, mula kay Zhang Jie, isang mahusay na young singer mula sa mainland ng Tsina.
Sa katotohanan, simple lang ang lyrics ng awiting ito: "Ikaw ang aking first lady at dumating ako sa iyong buhay upang bigyan ka ng karampatang pangangalaga at kaligayahan." Ang pagmamahal ay hindi natatapos sa salita. Ang pinakamahalaga sa lahat ay ang aksiyon ng pagmamahal—responsibilidad, kalinga, taos-pusong pag-aasikaso, etsetera. ang mas mahalaga ay isabalikat ang responsibilidad at bigyan ng taos-pusong pag-asikaso. Ano man ang antas na kinabibilangan ng isang tao, para sa kanya, ang kanyang asawa ay siyang tanging nilalang na hindi mahahalinhan ninuman o ng ano pa man.
Simple lang ang pagpapahayag ng mga lalaki ng kanilang pagmamahal; halimbawa, mahal kita. Ikaw ang aking tanging pag-ibig, at iba pa. Pero, malambing ang damdamin ng mga babae sa pagmamahal at partikular sila sa mga detalye. Eto ang awiting Ai Bu Li Shou, ni Elva Hsiao, isang kilalang singer mula sa Taiwan, China.
Noong panahong wala pang telepono, kung magkalayo ang magkasintahan, ang liham lamang ang siyang tanging paraan ng pagpapahayag nila ng kanilang damdamin; pero, napakabagal ng paraang ito at bibilang ng maraming araw bago nila maiparating ang kanilang mga mensahe sa isa't isa. Ngayon, kasunod ng pag-unlad ng siyensiya at teknolohiya, nagiging madali ang komunikasyon ng mga tao at kahit gaano sila kalayo sa isa't isa, maari silang makapag-usap sa telepono. Pero, ang telepono ay hindi maaring humalili sa personal na pag-aaruga at pagsasama ng dalawang nagmamahalan, dahil ang iyong minamahal ay isang tunay na tao na may puso at damdamin na di tulad ng isang telepono o anumang gadget.
Ano ang pag-ibig? Pihadong maraming kasagutan, pero, walang duda, ang pagmamahal ang pinakamagandang bagay sa buong daigdig. Sa bandang huli, isang klasikong romantic song mula sa Sodagreen--ang Little Madrigal.
Ang lamig ng boses, di ba? Pero siya ay lalaki at ang maganda niyang tinig ay nakakabighani ng maraming kababaihang music fans. Ang awiting ito ay sumasalamin sa matapat, malalim, matatag at purong pagmamahal ng tao. Sabi nito, simple lang ang pag-ibig. Ito ay masaya, nagbibigayan sa isa't isa at dumaraan sa pagsubok ng panahon at espasyo. Tulad ng pagsusumpa sa seremonya ng kasal, kahit kahirapan, may sakit at kapansanan, magmamahalan at magtutulung habang buhay.
Ok, diyan nagtatapos ang ating programa ngayong gabi. Kung mayroon po kayong mga komento o suhestiyon, huwag po kayong mag-atubiling mag-iwan ng mensahe sa aming message board sa aming website na filipino.cri.cn o mag-text lamang sa 09212572397. Kung kayo naman ay mayroong facebook account, ipaki-click lamang po ang "like" button sa aming facebook page na crifilipinoservice para magkaroon po kayo ng updates sa aming mga programa at ibat-ibang aktibidad.
Itong muli si Ernest at sa ngalan ni Ate Sissi, sana manatiling malusog at matatag kayong lahat day and night.
Good night~
Pop China Ika-36
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |