|
||||||||
|
||
Sa Tsina, ang "Theme Film" ay itinuturing na mga pelikula na nagpapakita ng mga pangyayari na may napakalaking impluwensiya o mga mahalagang moralidad. Halimbawa, ang Revolution of 1911, na ipinalabas kamakailan at si Jackie Chan ay main actor, The Founding of A Republic, na ipinalabas noong 2009 at ang Beginning Of The Great Revival na ipinalabas din ngayong taon.
Dahil ang mga ganitong uri ng mga pelikula ay may kinalaman sa mga pangyayari na may malaking impluwensiya, kaya, alam ito ng mga Tsino at dahil naman ang mga pelikulang ito ay laging may malaking tagpo ng digmaan, kaya madali itong nakakaakit ng mga manonood. Walang duda, ang mga pelikulang ito ay may napakaraming popular star, halimbawa si Jackie Chan sa Revolution of 1911, Jet Li at Andy Lau sa The Founding of A Republic and Beginning Of The Great Revival, at saka ito ang isa pang dahilan kung bakit gusto rin ito ng mga bata.
Ayon sa estadistika, box office ng pelikulang The founding of a Republic ay lumampas sa 400 milyong yuan RMB at ang box office ng pelikulang Beginning Of The Great Revival ay lumampas sa 300 milyong yuan RMB, at ang dalawang pelikula ay mas popular sa ibang mga pelikula na ipinalabas sa kontemporaryong panahon.
Kaya, ang "Theme Film" sa Tsina ay nagsisilbing isang magandang paraan para mapaalam sa mga tao, lalo na sa mga bata, ang mga mahalagang pangyayari sa kasaysayan na nakakaapekto sa kanilang mga positibong ideya at moralidad.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |