|
||||||||
|
||
Kung mababanggit ang hinggil sa pelikulang Tsino, ang unang pumapasok sa isipan ng mga tao ay kung fu film at kung fu star.
Sa iyong mga kung fu films at kung fu stars, sina Bruce Lee, Jackie Chan at Je Li ay 3 pinakakilalang Chinese kung fu stars sa buong daigdig at ang kanilang mga pelikula ay mainit na tinatanggap din ng mga manonood.
Si Bruce Lee ay kauna-unahang super kung fu star sa daigdig at tagapagtatag ng Jeet kune do. Kahit ilan lang ang nagawa niyang pelikula na kinabibilangan ng The Big Boss, The Chinese Connection, The Way of The Dragon at Enter the Dragon, siya ay may mahigit 200 milyong tagahanga sa buong daigdig at nakapagpasulong nang malaki ng kung fu movie o masasabing siya ang nagpalaganap nang malaki ng Chinese kung fu sa buong daigdig.
Pero, para sa mga tao sa mainland China, si Jet Li ang kauna-unahan at katutubong Kong Fu star. Kasi ang mga pelikula ni Bruce Lee ay ipinalabas noong 1970s at noong panahong iyon, mahirap na pumasok ang mga ganitong pelikula sa mainland China. Ang unang pelikula ni Jet Li ay ang Shaoin Temple noong 1980.
Bago ang pelikulang ito, si Jet Li ay isang professional athlete ng kung fu at laging nakakuha ng unang puwesto sa iba't ibang kompetisyon ng kung fu sa Tsina, pero wala pa siyang karanasan sa paggawa ng pelikula. Kaya ang kanyang palabas sa pelikulang ito ay tunay na kung fu sa halip ng pagawang pampelikula. Kaya maganda ang kinalabasan ng pelikula at mainit itong tinanggap dito sa Tsina. Ayon sa estadistika, ang kinita nito ay umabot sa halos 100 milyong yuan RMB, pero, ang presyo ng tickets noong panahong iyon ay 10 cents lamang. Ibig-sabihin, ang halos 1 bilyong person-time ay nanood ng pelikulang ito.
Pero, sa kasalukuyan, si Jackie Chan ay pinakapopular na kung fu star sa buong daigdig. Ang mga pelikula ni Jackie Chan ay may mga elemento ng komedya, at ang pinakapangunahing katangian niya sa pagganap na iba sa mga katangian nina Bruce Lee at Jet Li ay ang pagiging mahusay niya sa paggamit ng mga prop na gaya ng upuan, mesa, bisekleta, at iba pa. Bukod dito, ang kanyang pelikula ay mas eksaheradong may halong elemento ng komedya. Ang estilong ito ay mainit na tinanggap ng mga manonood at tawa nang tawa sila habang pinanonood ito
Ang isang komong elemento ng tagumpay ng naturang 3 kong fu stars ay hindi sila gumagamit ng stunt man maski sa mga mapanganib na tagpo.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |