|
||||||||
|
||
Happy Halloween sa iyong lahat!Nang mabanggit ang Tsina, ano ang unang lunsod na pumasok sa isipan mo? Siguro ang Beijing, Shanghai, at Shenzhen, iyong mga malaki at maunlad na lunsod, o Xiamen, Guangzhou, iyong mga lupang tinubun ng mga Chinese Filipino. Noong nagdaang linggo, ako at si Rhio, dayuhang reporter ng Serbisyo Filipino, ay nagpunta sa Nanning ng rehiyong awtonomo ng lahing Zhuang ng Guangxi, isang lalawigang panghanggahan sa dakong timog ng Tsina, para sa coverage ng ika-8 China ASEAN exposition o CAexpo. Sinabi ni Rhio na may pagkakahawig ang Nanning at Pilipinas, lalo na pagdating sa hitsura ng mga katutubong residente, klima, mga pagkain, at iba pa. Sabi din niya, kung hindi siya magsasalita ng wikang Filipino, maari siyang mapagkamaliang lokal na mamamayan ng Nanning. Sa Nanning, masarap na masarap ang mga pagkain na hindi tulad ng mga pagkain sa Beijing na mamantika at maalat. Bukod dito, mayroon ding isang uri ng pagkain na bihirang makita sa dakong hilaga ng Tsina, at iba't ibang uri ng noodles na gawa sa bigas. Sa pagtatapos ng CAexpo noong Miyerkules, sinabi ni Rhio na gusto niyang tumira sa Nanning. Sa tingin ko, kumpara sa Beijing, Shanghai at iba pang malalaking lunsod, mas maganda ang pamumuhay sa mga katamtamang-laking lunsod sa dakong timog o malapit sa dagat--sariwa ang hangin, maganda ang tanawin at masasarap ang pagkain.
OK, kayo'y nasa China Radio International at sa programang Pop China ng Serbisyo Filipino. Ito po si Ernest, ang inyong vice happy DJ. Bigyang-daan muna natin ang mga mensaheng SMS mula sa masusugid na tagasubaybay ng programang ito.
Sabi ng 0049242188210 na Hi Ate Sissi, How is everything going? Kumusta naman ba ang buhay ng bagong kasal Masaya ba?
Sabi ng 9104350941 na Kumusta, Ate Sissi? Salamat sa mga souvenir items at sa pag-alala mo sa amin. Stic kami sa malaganap mong programa bumagyo't umaraw.
Sa ngalan ni Ate Sissi, salamat sa iyong pagkikinig at pagkatig. Guwapo at mabait ang asawa ni Ate Sissi, at sa Tsina, may ganitong kaugalian na pagkatapos ng seremonya ng kasal, kailangang pumunta ang bagong kasal sa tahanan ng babae at tumira doon nang ilang araw.
Sabi ng 9179040154 na Mabuhay ang Pop China, mabuhay ang bagong kasal, mabuhay ang CRI Serbisyo Filipino!
Maraming salamat, sa tingin ko, mabuhay ang Tsina at Pilipinas, mabuhay ang mga mamamayan ng dalawang bansa!
Sabi ng 9284420119 na Laging malakas signal ngayon ng CRI kaya sinasamantala namin ang pagkakataon para makinig sa Pop China! Enjoy E.
Salamat sa iyong pagkatig at sana'y hindi kayo magsawa ng pakikinig sa aming programa.
Sabi ng 9158075559 na Thank you for playing ang featuring Eason Chan in your program. He is my most favorite artist.
Oo nga po, maganda ang mga kanta ni Eason Chan at siya ay itinuturing na pinakamagaling na singer kasunod ni Jackie Cheung.
Kaya ngayong gabi, ang unang awitin ay galing kay Eason Chan. Ito ay may pamagat na Kanchuan, pinakahuling awitin niya sa Mandarin. Sinasalamin ng awiting ito, ang iba't ibang uri ng tao at ibat' ibang damdaming namamagitan sa mga tao.
Ang ganda ng himig, ano? Mayroon ka rin bang impreyon na mabilis ang ritmo ng pamumuhay sa malalaking lunsod at dapat makipag-ugnayan sa iba't ibang uri ng mga tao? Pero, di-gaanong marami iyong mga malapit na kaibigan. Walang duda, ang unang impresyon ay mahalaga para sa pagtaya sa isang tao, pero, ang impresyon sa labas ay hindi nagpapakita ng lahat ng tunay na kalooban ng isang tao. Mahalaga din ang katapatan, lalo na para doon sa mga kaibigan, di ba?
Tulad ng alam ng lahat, mahusay ang mga Pinoy sa pagkanta at pagsayaw. Ang susunod na awitin ay galing sa isang lahi ng Tsina na mahusay din sa pagkanta at pagsayaw--ang lahing Tibetano. Ang awiting ito ay may pamagat na Mei Li Xin Shi Jie, na inawit ni Han Hong, isang kilalang Tibetanong singer.
Maliwanag at matunog ang awitin ni Han Hong, at ito ay angkop na sumasalamin sa malawak at maringal na tanawin. Kung pakikinggan ninyo ito, parang isang tao lamang ang tumatakbo sa langit at dagat at umaakyat-baba sa matarik na bundok. Bukod dito, ang isa pang katangian ng awiting ito ay ang mga lirik nito ay may pinaghalong elemento ng magagandang tula noong Tang Dynasty at mga ideya ng Taoismo, isang katutubo at popular na pilosopiya ng Tsina.
Ang dalawang singers na sina Han Hong at Eason Chan ay galing sa Hong Kong at mainland ng Tsina, Ang susunod ay isang mang-aawit na galing sa Taiwan, si Jay Chou at ang kaniyang pinakahuling kanta na may pamagat na Pi Yingxi o shadow play, sa taong 2011.
Ang shadow play ay isang tradisyonal na sining ng bayan sa Tsina na gumagamit ng opaque at madalas articulated figures sa harap ng naiilawang backdrop para malikha ang ilusyon ng gumagalaw na imahe. Inilalarawan ng awiting ito ang mga katangian ng shadow play at pamumuhay ng isang shadow play artist, gaya ng paggawa, kasayahan at kalungkutan. Bukod sa elemento ng R&B, gumamit din si Jay ng istilo ng Peking Opera.
itong muli si Ernest at sa ngalan ni Ate Sissi, sana manatiling malusog at matatag kayong lahat day and night.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |