|
||||||||
|
||
Ang Chinese mitten crab o Da Zha Xie ay isang uri ng crab na nagpapalipas ng halos buong buhay niya sa tubig-tabang, pero lumangoy papunta sa dagat para manganak. Ang katawan nito ay kasinglaki ng isang palad ng tao at ang mga paa ay 2 beses na mas mahaba kaysa lapad ng balat-talukap. Kulay putik ang crab na ito na malapit sa talangka at malapit din ang laki ng dalawang ito.
Pinangalanan ito na Chinese mitten crab dahil sa makapal at madilim na pinong balahibo sa dalawang malaking sipit nito na parang glab sa beisbol. Pagdating naman sa pangalang Tsino nito na Da Zha Xie, kung isasalin sa Ingles ay Big Sluice Crab, ito ay may kinalaman sa paraan ng paghuli ng crab. Noong sinaunang panahon, para mahuli ang mga crab na ito, gumagawa ng isang kagamitang yari sa mga piraso ng kawayan at inilalagay ito sa ilog na parang water gate. Daraan dito ang tubig, pero gagapang ang crabs sa kagamitang ito hanggang pumunta sa ibabaw ng tubig, kaya mas madali-dali nang hulihin ito. Bagama't hindi na ginagamit ang paraang ito sa paghuli ng crabs, nananatili pa rin ang pangalang ito.
Batay sa iba't ibang bahagi ng Da Zha Xie, 4 na uri ang mga karne nito. Una, aligi ng babaeng crab at taba ng lalaki. Ika-2, karne ng katawan. Ika-3, karne ng sipit. At ika-4, karne ng paa. Bagama't iba't iba ang lasa, pawang masarap ang 4 na uri ng karneng ito at hindi dapat aksayahin alinman.
Ang pagkain ng Da Zha Xie ay isang masalimuot na gawaing nangangailangan ng mahabang panahon, dahil binabalot sa balat-talukap ang lahat ng mga karne. Masuwerte tayo at hindi ganoong matigas ang balat-talukap ng Da Zha Xie. Ngipin at kamay lang ang kailangan para kanin ito. Gayunpaman, para maubos ang isang Da Zha Xie ay nangangailangan ng 20 hanggang 30 minuto.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |