Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Sports=medalya?

(GMT+08:00) 2011-11-08 18:54:21       CRI

Noong Ancient Olympic Games, ang mithiin ng mga manlalaro ay ang talunin ang sarili, limitasyon ng katawan at endurance.Ngayon, ano ang situwasyon ng mga Olympic Games?

Mga Olympic emblem

Ayon sa ulat, palagiang pinahahalagahan ng pamahalaang Tsino ang mga palaro at pagkakamit ng medalya. Noong 2010 Guangzhou Asian Games, naglaan ang Tsina ng 12 bilyong Yuan RMB para sa seremonya ng pagbubukas, pagpipinid, mga stadium at paghahanda para sa pagsasanay ng mga manlalaro: ito ay katumbas ng pagtataguyod ng 5 South African World Cup.

Ano ang palagay niyo hinggil dito? Talaga bang ganito na lang ang pagpapahalaga ng Tsina sa mga palarong ito?

Seremonya ng pagbubukas ng Beijing Olympic Games

kailangang pahalagahan ang mga palaro at pagkuha ng mga medalya, dahil ang pagkakamit ng medalya sa mga pandaigdigang palaro ay nangangahulugan ng pagkakamit ng papuri at karangalan para sa bansa.

Ang dahilan nito ay makikita natin sa kasaysayan. Talos ng lahat, na noong panahon ng sinaunang ng Tsina, tinawag ng daigdig ang Tsina na "Sick man of Asia," dahil noong Qing Dynasty, nagsigarilyo ang maraming Tsino ng opyo, na parang maysakit. Noong 1936 Berlin Olympic Games, walang nakuhang medalya ang delegasyong Tsino, at maraming ulat nula sa mga dayuhang media hinggil dito: ito rin ang nagbigay daan upang tawagin ang Tsina na "Sick man of Asia." Mula noon, para alisin ang katawagang ito, pinahahalagahan na ng Tsina ang resulta ng mga pandaigdigang palaro at malaki ang laang-gugulin na inilalaan sa pagtataguyod ng mga nasabing palaro.

Stamp of First Olympic Games, 1896

Pero, ngayon, sa Tsina, hindi na tulad ng dati, pagkaraang makuha ang maraming medalya at matagumpay na pagtataguyod ng mga games, partikular ang Beijing Olympic Games, Guangzhou Asian Games, naging mas malakas ang puwersa ng Tsina. Pero, kailangan pa rin bang patunayan ng Tsina na hindi ito "Sick man of Asia?" Ano ang mas mahalaga, pagkuha ng medalya sa mga palaro o pagpapa-unlad ng mass sports?

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>