|
||||||||
|
||
Kahit sa mga bansang silanganin o kanluranin, popular na popular ang mga hero. Sabi minsan ni Jin Yong o Louis Cha, isang kilalang manunulat ng Kong Fu novel, na ang Kong Fu story ay parang isang fairy tale. Ibig-sabihin, kahit ang iyong mga kuwento ay inilarawan lamang, gusto pa rin ng mga taong maniwalang may mahusay ang Kong Fu master na may magandang moralidad, na gaya ng kagitingan, katatagang-loob, at nangangalaga sa kaayusan at kapayapaan ng lipunan.
Ngayon, hindi lamang popular ang mga kung fu film sa Tsina, kundi ang mga dayuhang film ay may impluwensya na rin ng mga Kong Fu film. Halimbawa, ang pelikulang Matrix, bukod dito, mayroon na rin sa mga bansang kanluranin ng mga Action Movie, Action Director o Director of action design. Kaya talagang malaki ang impluwensiya ng Kong Fu film.
Sa kasalukuyan, kinakaharap din ng kung fu film ang mga hamon.
Unang una, pagkatapos nina sina Bruce Lee, Jackie Chan, at Jet Li, liban kay Donnie Yen, main actor ng pelikulang Ip Men, kaunti ang mga kilalang kung fu star na tunay na master sa kung fu. Halimbawa sa pelikulang Crouching Tiger and Hidden Dragon, pinakakilalang kung fu film nitong ilang taong nakalipas, ang kanilang mga main actor na sina Zhou Yun-fat at Zhang Ziyi ay hindi mahusay sa Kong Fu, at ang kanilang palabas ay depende sa mga teknikal na paraan.
Ang ikalawa ay kasunod ng pag-unlad ng teknolohiya ng computer, ang pagtatanghal ng Kong Fu ng mga karaniwang actor ay maari na ring sa tulong ng computer.
Dahil nakakapagod ang pag-aaral ng Kong Fu at kinakailangan ditong gumugol ng mahabang panahon. Sa tulong ng computer, matutularan ng sinuman ang kilos at galaw ng isang Kong Fu master, kaya nawawala ang kasiglahan ng mga tao na magpraktis ng Kong Fu sa mas mahirap at matagal na paraan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |