Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mayroon bang 30 milyong lalaking Tsino na hindi kayang maghanap ng asawa sa taong 2020?

(GMT+08:00) 2011-11-17 11:06:21       CRI
Ayon sa ika-6 na population census ng Tsina noong 2010, ang bilang ng mga lalaki ay lumampas ng halos 34 milyon sa bilang ng mga babae at sa mga ito, ang mga lalaki na mula bagong silang hanggang 19 na taong gulang ay umabot sa 23.77 milyon. Bukod dito, ang proporsyon ng mga bagong silang na lalaki sa bagong silang na babae ay lumampas sa 118, ibig-sabihin, kung isisilang ang 100 sanggol na babae, kasabay na isisilang din ang mahigit 118 sanggol na lalaki. Ang proporsyong ito ay mas mataas sa karaniwang bilang na mula 103 hanggang 107 na itinakda ng UN.

Kaya may ulat na nagsasabing hanggang sa taong 2020, mayroong mga 30 milyong lalaki na nasa angkop na edad para mag-asawa ang hindi makakahanap ng mapapangasawa.

Sa katotohanan, ang di-balenseng pagsilang ng mga lalaki at babae ay lumalaki nang lumalaki sapul nang isagawa ng Tsina ang one child policy noong ika-8 dekada ng nagdaang siglo. Ayon sa estatistika ng nagdaang 4 na beses na population census mula sa taong 1982 hanggang taong 2010, ang nasabing proporsyon ay magkakahiwalay na 108.47, 111, 119, at 118.06.

Kahit na ang pagkakapantay-pantay ng kalalakihan at kababaihan ay isang pambansang patakaran sapul nang itatag ang People's Republic of China noong 1949, at ang mga batang lalaki ngayon ay nangangailangan ng bahay kung gusto nilang mag-asawa, sa harap ng tradisyonal na ideya ng Tsina na nagpapatuloy sa loob ng ilang libong taon, nakakakita pa rin ng mga tagpo na kung saan mas popular ang mga sanggol na lalaki kaysa sa sanggol babae, lalo sa mga nayon at mahihirap na purok, dahil nga, sa naturang mga lugar, ang mga anak na lalaki ay nagsisilbing pangunahing puwersa sa paggawa at pag-aalga sa mga magulang.

Bukod dito, ang lupang kinatitirikan ng bahay ay mahalagang yaman sa kanayunan at para sa mga magsasaka, ang laki ng nasabing lupa ay depende sa bilang ng mga miyembro ng kanilang pamilya. Ibig-sabihin, kung may anak na babae, babawasan ang saklaw ng lupa pagkaraang makapag-asawa ang babae; pero, kung may anak na lalaki, lalaki ang sukat ng lupa at lakas-manggagawa pagkaraang makapag-asawa ang lalaki.

Kaya, gusto ng mga mag-asawa, lalo sa mga nayon at mahihirap na lugar, na magkaroon ng anak na lalaki. Sa kabilang dako, unang una, kasunod ng pag-unlad ng siyensiya at teknolohiya, nagiging madali ang pag-susuri sa kasarian ng mga sanggol bago isilang ang mga ito; at ikalawa, ayon sa pambansang batas, bawal magkaroon ng dalawang anak ang mag-asawa at mabigat ang kaparusahan doon sa mga mag-asawang lalabag sa batas na ito.

Kaya ang mga mag-asawang gustong magka-anak ng lalaki ay madaling makakapili ng "AB-abortion" kung alam nila ang kasarian ng sanggol, lalo na sa kanayunan. Kaugnay nito, noong nagdaang Agosto ng taong 2011, ang mga departamento ng Tsina na kinabibilangan ng National Population and Family Planning Commission, Ministry of Public Security, Ministry of Health, State Food and Drug Administration, at All-China Women's Federation ay nagdaos ng espesyal na pulong para mapabuti ang mga tadhana ng pagsasagawa ng "type-B ultrasonic" sa pagsusuri ng kasarian ng embryo at pagbebenta ng mga aborticide para mapigilan at masawata ang mga ilegal na aksyon ng pagsusuri sa kasarian ng embryo at pagpapalaglag na hindi batay sa pangangailangang medikal.

Sa katotohanan, ang malaking di-balenseng populasyon sa pagitan ng mga lalaki at babae sa Tsina ay nagdulot ng mga banta sa lipunan.

Unang una, lumitaw ang leftover boys, at siguradong mayroon ding leftover girls. Ang pagkakaiba sa pagitan nila ay ang mga babae ay popular, pero malaki ang pangangailangan sa lalaki.

Ikalawa, ito ang itinuturong dahilan ng paglaki ng mga kaso ng pagbebenta ng mga kabataan, lalo na sa mga nayon at mga mahihirap na lugar.

Ikatlo, ito ay posibleng magdulot ng kakulangan sa mga manggagawa sa hinaharap dahil bababa ang birth rate sa hinaharap.

Sa kasalukuyan, sa isang dako, aktibong isinasagawa ng pamahalaang Tsino ang mga hakbangin para mapigilan at mabigyang-dagok ang mga ilegal na aksyon ng pagsusuri sa kasarian ng embryo at pagpapalaglag na hindi batay sa pangangailangang medikal; sa kabilang dako naman, napapataas nito ang katayuan ng kababaihan para mabago ang ideyang mas mahalaga umano ang mga lalaki kaysa mga babae.

Ayon sa salaysay, isinasagawa ng pamahalaang Tsino ang pilot project sa 24 na nayon. Halimbawa, kung may sanggol na babae ang isang pamilya, makakakuha ang mga magulang ng 1200 yuan RMB bawat taon simula sa pagtungtong nila ng gulang na 60 at para doon sa mga pamilya na may anak na babae, madali silang makakakuha ng maliit na pautang mula sa bangko para sa negosyo at edukasyon ng kanilang mga anak na babae.

Ulat: Ernest

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>