|
||||||||
|
||
Parami nang parami ang mga estudyanteng dayuhan na nagpupunta sa Tsina para mag-aral, at ito ay sa kabila ng katotohanang ang malaking pagkakaiba sa pagitan ng kanilang mga inang-bayan at ng Tsina ay nagdudulot ng mga kahirapan sa kanilang pamumuhay at pag-aaral dito.
Ang unang-unang nagpapahirap sa kanila ay ang wikang Tsino, na maituturing na isa sa mga pinakamahirap na matutuhang wika sa daigdig. Ang pangunahing dahilan ay sa wikang Tsino, magkakapareho minsan ang pagbigkas sa magkakaibang salita at napakaraming paraan ng pagpapahayag sa pamamagitan ng isang salita.
Ang ikalawang problema ay panahon. Ito ay nagsisildbing malaking hamon sa mga dayuhang estudyante, lalo na doon sa mga nanggagaling sa mga bansang tropikal na tulad ng Pilipinas dahil sa dakong hilaga ng Tsina, laging tuyo ang panahon at napakalakas ng hangin at napakalamig kung panahon ng taglamig
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |