Kung babanggitin ang lunsod na ito, una nasa isip ay ang Waitan o the Bund. Makikita doon ang maraming magagandang arkitektura na may istilong kanluranin na gaya ng Romanesque, Gothic, Baroque, at iba pa. Ang Waitan ay sa kanlurang pampang ng Ilog Huangpu sa gitna ng Shanghai. Ito ay lugar kung saan pinatakbo ng mga dayuhan ang negosyo sa Shanghai mula noong huling hati ng ika-19 siglo hanggang unang hati ng ika-20 siglo. Ang mga arkitektura na binanggit ni Joshua ay kani-kanilang mga negosyo na gaya ng office building, hotel, bangko, night club at iba pa at pawang may mahabang kasaysayan ang mga ito. Karapat-dapat na maglakbay sa Waitan ang mga turista, pero kung sa kapaskuhan, wala doong espesyal na bagay.
Ang mga espesyal na bagay ay sa Zhengda Square, isang malaking shopping mall sa Shanghai. Anu-ano ang mga ito? Pakinggan natin ang programa ngayong gabi--Magpasko sa Shanghai.
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig