Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagtitiping, talagang mapabuti ang serbisyo sa turismo sa Tsina?

(GMT+08:00) 2011-11-30 11:22:41       CRI

Backgroud

Kamakailan, ipinatalastas ng Ctrip na nagsimula itong mangolekta ng mga tips mula sa mga turista sa kanilang biyahe sa loob ng Tsina para magbayad sa serbisyo ng kanilang mga guide at mananahero. Anito, ang layon ng naturang kapasiyahan ay eenkorahehin ang mga guide at mananahero na ibayo pang pabutihin ang kanilang serbisyo.

Ang Ctrip.com International Ltd. (CTRP) ay isang leading travel service enterprise ng Tsina. Itinatag ito noong 1999, mahigit 12 libo ang kawani ngayon. Nagbibigay ito ng komprehensibong serbisyo na kinabibilangan ng hotel reservations, flight ticketing, packaged tours and corporate travel management.

Ang naturang kapasiyahan ng Ctrip ay batay sa transparent group, ibig sabihin, alam ng mga turista ang lahat dedalye ng kanilang gastos sa bawat na item tulad ng pagkain, tirahan, mga lugar na pupuntahan, mga gamit na bibilhin at iba pa. Pagkaraan ng pagpapabuti ng proseso ng pagtatakbo ng transparent group, ang tipping ay gagawin bilang isang lehitimong bahagi ng kita ng mga tour guide.

May tatlong hakbangin ang planong ito. Una, ang service fee ay gagawing bahagi ng stable na sweldo ng mga tourist guide kung saan ang kumpanya ang magbibigay nito kasama ang basic salary. Ikalawa ay diretsong pagkuha ng tips mula sa mga turista base sa serbisyo ng tourist guide. Boluntaryop ang pagbibigay ng tips ng turista. Ikatlo, sa kahulihan ang bunos ay bubuin ng service fee at tips, na magreresulta sa win-win na sitwasyon ng lahat ng partido.

Batas

Sa batas ngayon, hindi padin pwersahan ang pagbibigay ng tips tourist guide ngunit kailangan pa din nila bigyan ng mabuting serbisyo sa mga turista. Ilayo sa panganib ang mga turista, paalalahanin sa seguridad ng pagbibili ay ang mga responsbilidad ng isang tourist guide, hindi lang dahil nabigyan ng tip tsaka gagawin. Sana lang ay kahit anong mangyari, kahit magkaroon na ng standardized tipping ay hindi maapektohan ang serbisyong ibinibigay ng mga tourist guide.

Pagkatig

Mula  sa point of view ng isang consumer, kasabay ng walang tigil na pagtaas ng sweldo ng mga tsina, parami ng parami ang naglalakbay ng mga turistang tsino, lalo na sa mga may kayang tsino o high end group na ang gusto ay may dignidad, high quality tourist service.

Ang pagbibigay ng tip ay isang komon na kaugalian sa industriya ng serbisyo. Bilang isang paraan ng pagswesweldo sa mga tauhan sa industriya ng serbisyo,normal ito sa iba't ibang bansa sa daigdig.

Ngayon ang tamang panahon para sa pagsulong ng tipping culture sa Tsina. May mga tradisyonal na kultura na dapat na ding mapalitan sa pagbabago ng sitwasyon ng bansa. Sa patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin, kinakailangan din ng mga service people na maghanap ng mapagkakakitaan.

Para naman sa mga tourist guide and travel agency malamang sangayon sila sa kapasiyahang ito. Dahil sa pamamagitan nito mas mapagbubuti nila ang serbisyo. At sa pamamagitan nito, mas nagiging internationalized na din kumbaga ang tourism market ng Tsina. Ipinahayag nga kamakailan lang ng presideng ng Anhui world tourism na sa kasalukuyang pinaplano na din nila ang service fee para sa mga tourist na nahahati sa dalawang bahagi, una ay service fee na mkukuha nila mula sa tourist agency, ikalawa naman ay sa pamamagitan ng standard na tip mula sa mga turista.

Pagtutol

Ang pagbibigay ng tips ay isang paraan ng pagpapahayag ng pagsasalamat, hindi limitasyon sa ibang tao, hindi ba? Sa buong mundo, ang pagbibigay ng tips ay alinsunod sa sariling kagustuhan, hindi ito kompulsaryo, tama ba? Kaya, sa palagay ko, hindi dapat gawing isang regulasyon ang pagtitiping.

Bukod dito, posibleng nagkakaiba ang atityud ng tour guide sa mga turista na nagbibigay ng tips at hindi nagbibigay ng tips. Masama iyon kung saan para sa mga nagbibigay ng tips, hindi nila igagalang ang mga tour guide, o para sa mga hindi nagbibigay ng tips, hindi sila igagalang ng mga tour guide.

Bukod dito, kung walang limitasyon hinggil sa kung gaano dapat ibibigay bilang tips. Lilitaw ang isa pang problema, para makatamasa ng mas magandang serbisyo, bawat turista ay magbibigay ng tips, idaragdag ang pasanin ng mga turista.

Maaaring sa simula ay magiging masigasig ang mga tourist guide sa pagbibigay ng magandang serbisyo sa mga turista, magakakaroon ng malaking pagkakaiba kumpara dati para lang masabi na epektibo ang ganitong regulasyon. Ngunit kapag tumagal na, nasanay na sila sa kakakolekta ng tips, ano pa ang magpapagana sa kanila para magtrabaho, papataasin pa ang mga tour fees para lang makakuha pa sila ng mas malaming service fee at tsaka lang gaganahan magtrabaho?

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>