Sa episode na "Magpasko sa Beijing', nabanggit natin ang "white Christmas". Ang "white Christmas" na nabanggit natin sa nakaraang episode ay tumutukoy sa tanawin ng niyebe dito sa Beijing.Sa katunayan, kung mababanggit ang "white Chrismas", may isang lunsod ang karapat-dapat na pag-usapan.
Kung may balak kayong maglakbay sa Tsina sa kapaskuhan, walang duda, isa sa mga pinakamagandang pagpili ang Harbin, punong lunsod ng Lalawigang Heilongjiang sa dakong Hilagang Silangan ng Tsina. Bukod sa mga lumang arkitekturang may estilong Europeo, nagtatampok din ang lunsod na ito ng yelo't niyebe. Ginaganap dito tuwing taglamig ang Harbin International Ice and Snow Sculpture Festival--isa sa apat na pinakamalaking ice and snow festival sa buong mundo. Binuksan ang kapistahan ng yelo't niyebe ng Harbin noong ika-5 ng Enero ng taong 1985, at hanggang ngayon, ang araw na ito ay nagiging isang maringal na kapistahan para sa mga taga-Harbin. Makukulay ang mga aktibidad sa panahon ng kapistahan at iba't iba ang porma na gaya ng Disneyland sa Ilog ng Songhuajiang na binubuo ng yelo't niyebe, malaking pagtatanghal ng ice sculptures, kapistahan ng ice lantern, paligsahan ng paglalangoy sa taglamig at iba pa.
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig