|
||||||||
|
||
Ano ang mga gusto mong pagkain o Ano sa palagay mo ang masarap na pagkain?
Nakatikim ka ba sa mga tinatawag na ambrosia, gaya ng Foie gras, whale meat, shark fin, bird's nest? Ano ang masasabi mo hinggil sa mga ito?
Whale Meat sa Hapon
Ang pagkaen ng karne ng balyena ay parte noon ng pang-araw araw na pagkain ng mga taong naninirahan malapit sa mga karagatan ng iba't ibang bansa, tulad ng japan, Norway, Iceland at arctic. Para sa ibang bansa, kontrobeysal ang pagkain ng karne ng balyena.
May iba't ibang klase ng luto na maaaring gawin sa karne ng whale o balyena. Sa mga bansang Norway, Iceland at Alaska, ang karne ng balyena ay kinakain ng walang halong anumang pampalasa. Ngunit pwede rin naman ito imarinade muna bago lutuin o gawing jerky. Ang jerky ay ang natanggalan ng tabang karne, hiniwa hiwa at pinatuyo para maiwasan ang pagbulok.
May iba't ibang hitrusa naman ito sa hapon, pwedeng cubbed or grilled, hinahalo sa ensalada, or stew.
Bakit gusto ng mga tao ang whale meat?
Mayaman sa protein at Masarap.
Sa bawat 100g ng karne nito ay may 24g na protein. At Tulad nalang sa Hapon. Ang karne ng balyena ay isa sa mga sources ng protina na mg Hapones. Kahit magkaroon ng krisis sa pagkain sa mundo, kakain pa din ng karne ng balayena ang mga Hapones para magkaroon ng laman ng niyan.
Nakaugalin na ng mga hapones na sa panahon ng paglaki ng mga kabataan, ang pagkain ng karne ng balyena lalo na sa mga meals ng kabataan sa eskwelahan, dahil nga ito ay isang source ng protina.
Pagtutol:
Para makuha ang protein, hindi kailangang magmula sa whale meat, ang gatas ay nagsisilbing napakahalagang papel.
Dati, ang Hapones ay maliliit kumaga hindi matatangkad, pero ngayon, ayon sa datos, ang karaniwang taas ng kabataan sa Hapon ay lampas na sa kabataang Tsino. Bakit? Salamat sa gatas. Pagkaraang World War II, nagsimulang isagawa ng Hapon ang isang "Rebolusyon ng puti": para sa tanghalian ng mga estudyante, idinagdag ang 200 milliliter na gatas. Noong 60 decades ng ika-20 siglo, pinalaganap din ng Hapon ang "A glass of milk a day makes a strong nation," mula noon, ang pag-inom ng isang baso ng gatas bawat araw ay naging isang fashion. Sa kasalukuyan, 99% pupils ay umuinom ng gatas tuwing tanghali.
Kaya, ang pagpapataas ng mga Hapones ay dahil sa gatas, sa halip ng whale meat. Ang karaniwang kataasan ng mga tao sa henerasyong ito ng Hapon ay tumaas hanggang 11 centimeters, at ang bigat nila ay dumagdag ng 8 kilogram. Ito ay tinatawag na "miracle of human physical development".
May isang chinese reporter ang nagtanung sa isang Hapones kung bakit mahilig kumain ng karne ng balyena ang mga Hapones, alam mo ba ano sabi niya? Diretso at nagbigay ng simpleng sagot ang Hapones, dahil masarap ito, wala ng iba pang dahilan.
Sa kasaysayan ng Hapon, ang karne ng balyena ay isang napakasarap na pagkain na inihahanda tuwing may malaking kapistahan o holiday. May iba't ibang paraan ng paghanda dito, pwedeng sushi, biscuit, sashimi, delatang karne ng balyena, o hinahalo sa noodle.
Pagtutol:
Sa isang pagsalu-salo ng pagkatikim sa whale meat, pagkaraang makatikim sa tinatawag na pinakamasarap na mga dish na yari sa whale meat, sabi ng journalist ng Time ng E.U. na, to be honest, sa tingin ko, hindi masarap ang whale meat. Mamantika at matapang ang whale meat sa sushi at sashimi, at malakas ang amoy ng blubber o karne sa ibaba ng balat ng balyena, parang hindi sariwang salmon. Anya pa, hindi niya naiintindihan kung bakit ipinalalagay ng Hapones na ang whale meat ay isang masarap na pagkain.
Paano pinapatay ang mga balyena?
Hindi naman masayado marahas ang pagpatay sa kanila hindi katulad dati na papahirapan pa ang balyena.
Mayroon silang isang espesyal na instrumento na parang malaking tinidor na may gamot sa dulo nito ilang segundo lang ay patay na agad ito. Sa pagtusok nito sa balyena, agad iniaangat patungo sa barko at hinihintay na mamamatay.
Pagtutol:
Faroe whale massacre
Ayon sa International Whaling Commission (IWC), tumagal ng 14 na minuto bago ang patay ng whale, at minsan ay oras. Ayon sa saksi, pagka-tira dito, inilalawit ang balyane sa bapor, at ipinadala sa baybay. Pagkadating ng baybay, muling pinatay ang ulo nito ng mga tao hanggang mamatay. Sa prosesong ito, ang kulay asul na dagat ay naging pula na.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |