Sinimulan na ang siyam na araw na Misa de Gallo o simbang gabi sa Pilipinas, at papalapit nang papalapit ang Pasko. Ang pag-uusapan natin ngayong gabi ay isang romantikong lunsod na malapit sa Beijing--ang munisipalidad ng Tianjin. Dahil sa espesyal na lokasyong heograpikal nito, noong ika-8 dekada ng ika-19 na siglo, naging isang puwertong komersiyal ang Tianjin. Pagkatapos nito, magkakasunod na itinayo ng maraming bansang kanluranin ang settlement dito, at nagiging pinakamaagang lunsod na nagbubukas sa labas sa hilagang bansa at base ng aktibidad ng kalakalang panlabas sa modern history ng Tsina. Bunga ng ganitong kasaysayan, may pagkahalu-halo ng estilong Tsino at kanluranin ang mga gusali sa Tianjin.
Para sa mga kaibigang na may balak na mag-alok na pakasal sa kapaskuhan, irerekomenda ko ang isang romantikong lugar sa Tianjin—Tianjin Eye. Isang malaking ferris wheel ang Tianjin Eye. Ito ang siyang tanging ferries wheel sa mundo na itinayo sa isang tulay. Ito rin ang ika-anim na pinakamalaking ferries wheel sa buong mundo. Ang Tinajin Eye ay binubuo ng 48 capsules at 8 tao ang maisasakay sa bawat capsule. 30 minutos ang itinatagal ng buong pag-ikot. Mas maganda kung gabi pumarito dahil makikita mo ang mga makulay na ilaw ng Tianjin. Kita mo din ang Hai River ng Tianjin sa ibaba nito. Matapos niyo sumakay sa Tianjin Eye, maaari kayong sumakay naman sa barko na iikutin kayo sa Hai River.
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig