Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China Ika-48 2011

(GMT+08:00) 2011-12-27 14:24:40       CRI

Bilang pagdiriwang ng Pasko at 70th birthday ng CRI, mainit na tumatakbo ang Christmas and New Year activity ng Pop China--- "Boto Para Sa Best Singer Na Pinoy". Textmates, puwede kayong pumili ng best male singer, best female singer at best band sa pamamagitan ng pagpapadala ng maikling mensahe sa 09212572397. Para sa mga internet users, puwede rin kayong bumisita sa aming website: filipino.cri.cn, at i-cast ang pinakamahalagang boto sa best singer na pinoy sa inyong puso. Guess natin kung sino ang aakyat sa final stage sa bisperas ng Pasko at tatanghaling pinakapopular na Pinoy singer para sa taong 2011.

Nakabitin na ang mga parol. Handa na ang recipe para sa Noche Buena. Nagsimula na ang Simbang Gabi. At ….nakasali na ba kayo sa Christmas and New Year activity ng Pop China--- "Sino ang hottest singer na Pinoy sa inyong puso"? Isang linggo na lang ang natitira. Bilis, bilis, bilis~Ang lahat ng botante ay may pagkakataong makatanggap ng aginaldo na ipadadala ng Serbisyo Filipino. Marami-rami na rin ang mga boto, pero, ang isang problema na dapat pagtuunan ng pansin ay kung hindi ninyo iiwanan ang inyong address kay Ate Sissi, maliligaw si Santa Claus. Kaya, habang ikina-cast ang pinakamahalagang boto sa best singer na pinoy sa inyong puso, huwag kalimutang ipadala ang inyong choices pati ang address sa pamamagitan ng pagteteks sa 09212572397 sa lalong madaling panahon. Have a little rest. Kasiyahan natin ang kantang "What makes u beautiful", isang dynamic song na ibinigay ng limang poging Britaniko. Sila rin ang runner-up sa talent shows na The X Factor 2010-One Direction.

Samantala, habang nag-e-enjoy kayo sa inyong salu-salo, inaanyayahan din kayo ni Sissi na makinig sa espesyal na programa ng Pop China na nakatakdang isasahimpapawid sa ika-24 ng Disyembre. Ipapatalastas namin ang pinakapopular na Pinoy singer para sa taong 2011 at ang loving messages na padala ng mga pinoy mula sa buong daigdig. This Christmas, baka, kailangang manatili ka sa bansang dayuhan; baka, masayang magse-celebrate kayo ng kapamilya sa lupang-tinubuan. Sa kasalukuyang silent night, mag-meet tayo sa espesyal na progrema ng Pop China na hatid sa inyo ng inyong tahimik na DJ-- Sissi. Ang naririnig niyo ay theme song ng bagong Higante Serye ng TV5 na Bangis, ang "Ako'y Kasama Mo" na inawit ni Michael Renz Cortez.

Noong isang linggo, malinaw na ang lahat ng 15 nomiees para sa Christmas and New Year activity ng Pop China--- "Boto Para Sa Best Singer Na Pinoy", sa susunod, babalik-tanawin natin ang mga nominees.

Nominees para sa best female singer :

Regine V, Yeng Constantino, Juris F, Sarah Geronimo at KC Concepcion

Nominees para sa best male singer :

Billy Crowford, Rico Blanco, Christian Bautista, Gloc-9 at Piolo Pascual

Nominees para best band :

Six cycle mind, Callalily, Sandwich, Parokya ni Edgar at Slapshock

Sinong singer at aling banda ang gusto niyo? Ipadala ang inyong choices sa 09212572397 o bumisita sa Filipino.cri.cn, i-cast ang pinakamahalagang boto sa best singer/best band na pinoy sa inyong puso.

Sa message board, nakita ko ang maraming mesaheng ipinadala ng mga music fans tungkol sa pinakapopular na pinoy singer sa kanilang puso.

Sabi fely : ay, si piolo, laging laman ng mga diyaryo. ano na ba ang nangyayari sayo?

Roxanne: we're seeing stars right now. thanks for bringing them in.

Bridget: advance MERRY CHRISTMAS sa pop china at kay ate sissi.

9209502XXX :aah, sa 6 cycle mind lang ako kung sa banda pero sa lalaki kay rico at sa babae kay juris

9196511XXX : at the moment kay Regine, Christian at Sandwich muna ako.

Mindy: Talagang Xmas na ang atmosphere sa pinas. ganun din ba diyan sa beijing? merry Xmas sa lahat ng members ng filipino section family at mga kababayan sa china.

Matagal tayong hindi nakapagpatugtog ng Chinese pop music. Matagal-tagal din tayong hindi nakarinig ng bagong obra mula sa S. H. E. Sapul nang magtamo si Selina ng burn injury sa aksidente ng pagsabog habang nagsu-shoot ng drama series nitong isang taong nakaraan, patuloy naman sa pagdarasal ang lahat ng mga nakakakilala sa kanya para sa kanyang madaliang paggaling. Sa wakas, nagbabalik siya. Mahapdi pa ang sugat at di pa gaanong makalakad, pero nananatiling matamis ang kanyang boses sa bagong kantang "Panaginip." Siguro, para kay Selina, ang stage ay ang pinakamabisang gamot at ang music, ang pinakamagandang panaginip.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>