|
||||||||
|
||
Ang pelikulang DEAR ENEMY ay isang modern romance.
Poster
Ang mga bida sa pelikula ay sina Xv Jinglei, Stanley Huang, Christy Chung at Gigi Leung. Si Xv Jinglei ang bidang babae, director at editor ng Dear Enemy. Multi Talented sya. kilala actress, award winning director, hit maker at screenwriter. Ayon sa Technorati sya ang pinaka popular na blogger sa China.Sya din ang writer ng Dear Enemy, at ayon sa isang interview isang taon nya itong isinulat. At para sa teknikal ng aspeto ng investment banking, humingi siya ng tulong sa isang kaibigan ng may 10 taong karanasan. Ang huling pelikula ni Xv Jinglei na Go Lala Go (Du Lala) ay tungkol din sa workplace romance. Pero mukhang sa pelikulang Dear Enemy mas personal ang atake nya sa istorya.
Sina Xv Jinglei at Stanley Huang
Interesting ang plot ng Dear Enemy, kaya confident ang director na papanoorin ito ng publiko kahit kasabay ang mga big-budgeted films gaya ng Flowers of War at Flying Swords of Dragon Gate ni Jet Li.
Iba ang audience ng mga modern romance kaya walang dapat ipag aalala ang producers ng pelikula. Very fast paced ang takbo ng istorya. Nag enjoy sa witty lines-maganda ang pagkaka translate nito sa English. Exciting ang paglipat lipat ng mga eksena sa maraming mga foreign locations. Classy at Glossy ang "look" ng mga artista kaya feel mo ang competitive setting sa investment sector.
Mga Bida
Panayam:
Ano ang masasabi mo sa Directing Style ni Xv Jinglei?
Bakit gusto ng manonood ang tandem ni Stanley Huang at Xv Jinglei?
Ano ang nagustuhan mo sa Dear Enemy? Pag romance madalas hindi kasi nagugustuhan ng lalaki.
Ano ang pakiramdam mo matapos mapanood ang pelikula?
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |