Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China Ika-3 2012

(GMT+08:00) 2012-01-21 17:57:22       CRI

Sa darating na halos 20 oras, sasalubungin namin ang Year of the Dragon dito sa Beijing. Sa ngalan ng lahat ng miyembro ng Serbisyo Filipino, nagpapaabot si Sissi ng kanyang pinakamaiit na pagbati sa mga oversesas Chinese, Filipino-Chinese at mga mamamayang Filipino na Chunjie kuaile at gong xi fa cai.

Tulad din naman ng mga Pilipino tuwing sasapit ang Pasko, dito sa Tsina, sa mga sandaling ito, ang mga Tsino ay nagno-Noche Buwena rin, pero ang kaibahan, hindi nawawala sa hapag kainan ng mga Tsino ang Jiaozi. Alam ba ninyo ang history ng Jiaozi? Oras na para sa bedtime story!~Noong unang panahon, may isang doktor na nagngangalang Dr. Zhongjing Zhang. Isang winter, habang naglalakad papauwi si Dr. Zhang, nakakita siya ng mga maralitang kababayan na ang mga tenga'y halos nagyeyelo na dahil sa lamig. Noon kasing panahong iyon, marami ang namamatay dahil sa lamig. Malungkot na malungkot si Dr. Zhang sa kanyang mga nakita.

Dahil dito, nagluto si Dr. Zhang ng pagkaing gawa sa dinikdik na karne ng kambing, sili, at gamot na binalutan ng balat ng tinapay na hugis tenga, kung saan nanggaling ang salitang jiao er (delicate na tenga), at pinakuluan sa tubig. Nang kainin ito ng mga may sakit, uminit ang kanilang pakiramdam, at ito ang kanilang kinain hanggang sa Bagong Taon—kaya tuwing sasapit ang Bagong Taon, kumakain ang mga Tsino ng jiaozi. Dahil ang hugis ng Chinese Dumpling ay katulad ng sa sinaunang gold o silver ingot ng Tsina, ang mga ito'y simbolo ng kayamanan. Pagkaraang mapakinggan ang kuwento ng Jiaozi, kasiyahan naman natin ang pagbating ibinigay ni Teresa Teng, kantang "Everlasting Happiness." Sana, tulad ng pangalan ng kanta, maihatid ang everlasting happiness sa lahat ng kaibigan.

Ilang sandali na lamang at tutunog na ang kampana para sa lunar New Year ng Tsina. Bagama't maaga pa ay sinimulan na ng mga bata ang pagpapaputok ng rebentador at fireworks, sa huling 5-10 minuto, aabot ito sa peak at wala na kayong maririnig na boses at mapupuno ng usok at amoy ng pulbura ang kalangitan at mga kabahayan. Ayon sa alamat, noong sinaunang panahon, mayroon daw isang halimaw na tinatawag na Nian o year, taon. Sa tuwing sasapit ang unang araw ng taon, lumalabas daw ang Nian ng mga purok-panirahan at pinapatay ang lahat ng mga halaman at hayop sa mga lugar na madaraanan niya. Kaya, tumatakas at tumatakbo sa bundok ang mga tao para maiwasan itong Nian. One time, sa tulong ng diyos, nalaman ng mga tao na takot pala ang Nian sa kulay pula, apoy at ingay ng paputok, kaya mula noon, nagsusuot na ang mga mamamayang Tsino ng kulay pula at nagpapaputok ng rebentador kung Bagong Taon. Hanggang sa kasalukuyan, para mabawasan ang mga polusyon sa hangin, mas maraming mamamayang Tsino ang pumipiling hindi magpaputok o bawasan ang bolyum ng paputok. Ang naririnig ninyo ang isang napapanahong kantang "Happy Chinese New Year" na ibinigay ni Sun Yue. Tuwing Spring festival, ito ang pinakamadalas na kantang napapakinggan ng mga Tsino.

Sa tradisyonal na kaugaliang Tsino, ang unang araw ng lunar New Year ay napaka-espesyal. Halimbawa, hindi dapat maligo, hugasan ang buhok maglaba ng damit sa umaga, para hindi mawala ang yaman at kalusugan. Hindi dapat gisingin ang ibang tao sa umaga, kung gayun, he will be driven by others sa buong taon. Hindi dapat kumain ng zhou, karne at gamot sa umaga, dapat kumain ng mga natitirang pagkain noong isang araw na palatandaang mayroon walang tigil na pagkain. Hindi dapat matulog sa tanghali o maapektuhan nito ang inyong suwerte ng karera sa bagong taon. Hanggang ngayon, lumiliit na limiliit ang bilang mga kabataang sumusunod sa mga kaugalian, pero, laging mainit ang puso habang inaalala ang mga nangyari noong sila'y bata pa, laging ganito ang sinasabi ng lolo, lola, tatay, nanay, sila ang naging kinatawan ng kaugailan, sila ang naging symbol ng kasiyahan ng spring festival. Parang ang spring festival ay ipinagdiwang para sa family reunion.

Sa saliw ng kantang "Home", palapit nang palapit ang Bagong Taon. Sana magkaroon ang lahat ng kaibigan ng Serbisyo Filipino ng isang masaganang Year of the Dragon at manatiling masigla, mayaman at malusog sa darating na 365 araw.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>