Katatapos na ang Spring Festival Season, tulad ng alam ng lahat, ang spring festival ang pinakamahalagang pestibal dito sa Tsina. Ito ang pagkakataon para magkapiling ang buong pamilya at nagtitipun-tipon ang mga kaibigan, kaya kumpara sa ibang mga pestibal, mas maraming ang mga aktibidad at mga salu-salo sa spring festival vacation. Kasunod ng mabilis na pag-unlad ng kabuhayang Tsino at pagbuti ng pamumuhay ng mga mamamayang Tsino, sa isang dako, may mas maraming pera at enerhiya ang mga Tsino para ipagdiwang ang pestibal na ito, kasama ng buong pamilya at mga kaibigan. Sa kabilang dako, dahil sa sobrang dami ng pagkain, inumin, salu-salo at paglilibang, masasabing mas abala ang pamumuhay ng mga Tsino kaysa kanilang trabaho. Kaya ang post holiday syndrome ay nagiging isang malaking hamon para sa mga Tsino, lalo na sa mga taong nagtatrabaho.
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig