|
||||||||
|
||
Post
Ang pelikulang THE GREAT MAGICIAN ay hango sa nobela ni Zhang Haifan at isinalin sa pelikula ni Derek Yee, Chun Tin Nam at Lau Ho Leung.
Ito ay isang period comedy tungkol sa isang magician na nais iligtas ang kanyang kasintahan mula sa kamay ng isang warlord. At ang setting nito ay sa pagsisimula ng 20th-century China.
Sina Zhang Xian at Liu Yin
Naihalintulad ang The Great Magician sa critically acclaimed Hollywood film na 'The Illusionist' kung saan bida si Edward Norton.
Kapag sinabing Derek Yee – sasagi agad sa isip ang mga pelikulang socially-aware crime thrillers tulad ng 'One Nite in Mongkok', 'Protégé' at 'Shinjuku Incident' pero sa bagong pelikula ni Derek Yee ipinakita nyang sya pala ay may sense of humour … kaya pala nyang patawanin ang kanyang mga manood.
Muling nagsasama ang mga bigating artista na sina Tony Leung at Lau Ching Wan.
Ang Great Magician na si Zhang Xian
Ang Warlord na si General Lei
Huli silang nagsama sa The Longest Nite crime thriller na prinoduce ni Johnnie To , kung saan Best Actor nominee sila sa Hong Kong Film Awards.
Kapansin pansin na ang 2 aktor ay nag enjoy sa kanilang papel dahil madalas silang lumalabas sa drama.
Nakakatawa si Lau kahit OA ang acting lalo na nang pilit nyang sinusuyo si Liu Yin. Tapos si Leung naman charismatic as ever sa kanyang papel bilang 'great magician' performing with poise and confidence sa kanyang mga magic tricks.
Sina General Lei at Liu Yin
Mga totoong magician ang nagturo sa tatlong mga artista kaya makatotohanan ang pag-ganap nila.
Nakakatawa ang mga eksena ni General Lei's - kasama ang anim na asawa, pati yung Third Wife nya na ginampanan ni Yan Ni na walang ginawa kundi maging KSP.
Weird ang tandem ng magilas na si Zhang at ang bruskong si Lei pero ang lakas ng on screen rapport at hindi pilit ang repartee ng 2 actor.
Sa kabuuan ang pelikula pong THE GREAT MAGICIAN ay maituturing na light-hearted, witty and entertaining PANALO ang tandem ni Tony Leung and Sean Lau. Pulido ang special effects. At ang production design engrande. Patok ito sa mga bata at matatanda. Sana mapanood ninyo.
Matagumpay ang unang comedy film ni Derek Yee sana gumawa pa siya ng marami pang pelikula na magaan at masaya.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |