|
||||||||
|
||
Poster
Ang I DO ay isang best selling na nobela na isinalin sa pelikula ni Chen Tong. At ang director ay si Sun Zhou na kilala sa mga nauna nyang pelikula na Pretty Mother at Zhou Yu's Train.
Ang cast ay kinabibilangan nila Li Bingbing bilang Tang Weiwei, Duan Yi Hong bilang ex boyfriend na si Wang Yang at si Sun Honglei na gumanap bilang Yang Nianhua ang manliligaw na nakilala sa isang internet dating site.
Si Tang Weiwei
Si Yang Nianhua
Si Wang Yang
Base sa ticket sales nitong Feb 23, nasa ika apat na pwesto ang I Do at kumita na ang pelikula ng 6.31 million dollars matapos ang 10 araw ng pagpapalabas.
Ang I DO ang first commercial movie ng director na si Sun Zhou.
Isang single na babae na higit 30 anyos na, at matagumpay sa kanyang career ang naghahanap ng mapapangasawa, ito ang istorya ng I DO.
Si Tang Weiwei ang object of affection ni Yang Nianhua, isang divorcee at ni Wang Yang ang ex boyfriend na nawala ng 7 taon at biglang bumalik sa mainland. Ano nga ba ang magiging mas matimbang … ang dating minahal na nagbalik bilang isang lalaki na mayaman at may kapangyarihan o ang isang lalaki na handang tanggapin ang nakaraan at nais magsimula ulit at ipadama ang pagmamahal sa pamamagitan ng simpleng mga gawain tulad ng pagluluto at pagdadala ng pagkain?
Ang Dating Mag-nobyo
Ito ay isang pelikulang may kakaibang ending. Nakaka aliw ang girian ng dalawang bidang lalaki. Hindi inaasahan ang twist ng istorya, pero dahil maganda ang pagkakasulat hindi ito nakakabitin.
Happy Ending
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |