Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mahalagang katayuan ng NPC at CPPCC

(GMT+08:00) 2012-03-02 09:50:56       CRI
Ang termino ng NPC at CPPCC ay 5 taon at mayroong taunang sensyong plenaryo bawat taon. Ang darating na 2 sensyong plenaryo ay huling beses na pulong ng kasalukuyang NPC at CPPCC, kaya, ito ang nakatawag ng malawak na pansin sa loob at labas na bansa.

Para sa larangang pulitikal ng Tsina, ang dalawang pulong ay nasa mahalagang katayuan. Ano ang NPC at CPPCC? Ano ang trabaho at tungkulin nito? Paanong inihahalal ang mga kinatawan nito? Ngayong gabi, tatalakayin natin ang hinggil sa mga ito.

Ayon sa konstitusyon ng Tsina, ang National People's Congress o NPC ay kataas-taasang pambansang organo ng kapangyarihan at lehislatura ng bansa. Ang Chinese People's Political Consultative Conference o CPPCC ay isang political advisory organization na binubuo ng ibang mga partido, samahan at kilalang tauhan sa iba't ibang sektor.

Ang mga pangunahing gawain at tungkulin ng NPC ay kinabibilangan ng pagtatakda at pagsususog sa konstitusyon, pagsusuperbisa sa pagsasagawa ng konstitusyon, paghalal ng Pangulo, Pangalawang Pangulo, Premyer at mga Miyembro ng Sentral Pamahalaan, Procurator-General of the Supreme People's Procuratorate, at President of the Supreme People's Court, pagsusuri sa government working report, ulat hinggil sa national budget at iba pa.

Tulad ng sinabi ko kania, bilang isang advisory organization, ang pangunahing gawain at tungkulin ng CPPCC ay isagawa ang pagsusuri at pagmumungkahi sa gawain ng pamahalaan at CPC.

Sa katotohanan, nagkakaiba ang tungkulin sa pagitan ng mga kinawatan ng NPC at CPPCC, at sa paraan ng paghalal ng mga kinatawan nito, nagkakaiba pa rin.

Kung gusto mong maging kinawatan ng CPPCC, muna ay dapat ka sumapi sa ibang mga partido liban sa CPC o mga di-pampamahalaang samahan o magiging kilala sa lipunan. Tapos iharap ang aplikasyon sa mga sangay ng CPPCC sa lokalidad. Kung makapasa sa pagsubok at makakuha ng pangsang-ayon ng karamihan ng mga miyembro ng pirmihang lupon ng CPPCC, magiging kinatawan ka ng CPPCC.

Sa kasalukuyang CPPCC, ang mga kinatawan ay kinabibilangan ng mga miyembro ng 8 ibang partido liban sa CPC, mga pambansang minorya, katao ng sector na panrelihiyon, foreigner Chinese, at kilalang tauhan ng iba't ibang industriya.

Ang pagiging ng kinatawan ng NPC ay dapat sa pamamagitan ng paghalal, ang mga kinatawan ng NPC sa mga bayan at nayon ay direktang ihalal mula sa mga mamamayan. Ang mga kinatawan ng NPC sa lunsod, probinsya at bansa ay ihalal mula sa mga kinatawan sa mas mababang kongresong bayan.

Ang kandidato ng NPC ay dapat ang sibilya ng Tsina at mas matanda sa 18 taong gulang, sa kabila sa iba't ibang lahi, kasarian, trabaho, edukasyon, relihiyon, ari-arian at lugar. Pero, hindi nilahukan ito ng mga tao na kinansela ang kuwalipikasyon batay sa batas.

Dahil walang halalan sa bagong liderato sa iyong pulong ng NPC, kaya ang ahenda ng sensyong plenaryo ng pulong na ito ay kinabibilangan ng pagsusuri sa government working report, ulat hinggil sa national budget, working report ng pirmihang lupon ng NPC, pagsususog ng criminal law, pagsususog sa batas ng halalan ng mga kinatawan ng NPC, pagtalagay ng mga kinatawan ng iba't ibang grupo.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>