|
||||||||
|
||
Tuwing Marso, ipinagdiriwang sa Tsina ang "Araw ni Lei Feng." Siya ay isang sundalo ng People's Liberation Army noong dekada 50 na gumawa ng maraming magagandang bagay sa kanyang kapwa. Sa panahong ito, madalas siyang nababanggit ng publiko, sa pahayagan, radio at TV. Napag-uusapan din ng mga tao ang hinggil sa kanyang mabuting ginawa at mabuting puso, at sinusubukang tularan ang kanyang magandang halimbawa. Pero, sino nga ba ang sundalong ito? Sino nga ba si Lei Feng.
Namatay si Lei Feng noong Agosto ng taong 1962. Noong ika-5 ng Marso ng taong 1963, sumulat si dating Chairman Mao na "Learn from Leifeng." Mula noon, ang ika-5 ng Marso ay kinilala bilang "Learn from Lei Feng" Day. Sa ngayon, 50 taon na ang tradisyon na ito. Marami ang ginawa ng mga tao upang gunitain at sariwain ang mga mabubuting gawa ni Lei Feng. Nariyan ang pagpunta sa home for the aged, para mangumusta at tumulong sa mga matatanda, nariyan din ang paglilinis ng kalye, paglilinis ng paligid ng pabrika, at marami pang iba.
Anu-ano sa palagay ninyo na dapat matutunan ng mga tao tungkol kay Lei Feng?
Kamakailan, itinakda ng pamahalaan ng Beijing na mula Marsong ito, bawat Sabado ay "Learn from Lei Feng" Day. Kung ganoon, ang pagsunod kay Lei Feng ay magiging ugali ng mga tao. Ito ang maganda ring mekanismo para mapalawak ang "Lei Feng Spirit."
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |