|
||||||||
|
||
Kamakailan ay naging mainit ang talakayan hinggil sa bear bile extraction dito sa Tsina. Ano ang bear bile? Sa tradisyonal na Chinese medicine, ang bear bile ay isang uri ng gamot. Para makuha ang gamot na ito, kailangang i-extract ang bile mula sa buhay na oso o bear.
Noong unang araw ng Pebrero, nagpalabas ang China Securities Regulatory Commission (CSRC) ng listahan ng mga bahay-kalakal na naghihintay na pumasok sa pamilihan (announced plans for an IPO). At ang Guizhentang Pharmaceutical ay kasama sa listahan na ito. Ang Guizhentang ay ang pinakamalaking Pharmaceutical company na nagsasagawa ng pananaliksik, pagpoprodyus, at pagbebenta ng bear bile. Kaya nakatawag ito ng batikos at pagtutol mula sa mga netizens at Animal Asia Fund. Ayon sa kanila, cruel ang bear bile extraction. Hinggil dito, ipinaliwanag ni Fang Shuting, Puno ng Traditional Chinese Medicine Association, na ang pagkuha ng bear bile ay hindi cruel, sa kabilang dako, "komportable ang mga oso sa prosesong ito," dagdag niya. Dahil sa pahayag na ito, mas nagalit ang mga netizens.
Ano ang palagay ninyo hinggil dito? Komportable ba o kalupitan ito?
Para ipaliwanag sa publiko, noong ika-22 ng Pebrero, inanyayahan ng Guizhentang ang halos 200 mamamahayag sa kanilang bear farm, para magmasid sa buong proseso ng pagkuha ng bear bile.
Ayon sa ulat ng mga mamamahayag, mga 15 segundo ang kailangan para sa pagkuha ng bear bile, at sa panahong ito, walang reaksyon ang mga oso, kundi kumain lamang.
Pero, napansin ng mga mamamahayag ang isang oso na naghihintay sa tabi na mukhang ninenerbiyos at balisa.
Mula sa pananaw ng isang di-propesyonal, mahirap na makita kung mayroon o walang problema ang naturang proseso.
Ano ang dapat gawin hinggil sa bear bile extraction? Bawasan? Ipagpatuloy?
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |