|
||||||||
|
||
Kamakailan ay mayroong isang classified ads sa diyaryo na naglalahad ng mga requirement para sa mga trabahong may bakanteng posisyon. Ayon dito, kailangan ang isang aplikante para sa designer ay may zodiac sign na Virgo. Para naman sa salesman position, hindi raw maaari ang mga Pisces, mas mabuti raw kung Taurus, Scorpio, at Virgo. Nang mapansin ito ng mga tao, tumanggap ito ng maraming kritisismo, kaya, agarang kinansela ang naturang mga requirement.
Ano ang masasabi mo hinggil dito?
Talaga bang may kinalaman sa trabaho ang astrology ng isang tao?
Dito sa Tsina, nagiging mas detalyado o mahigpit ang mga requirements sa hanapbuhay.
Bukod sa magandang resume, para sa ilang position, mayroon pang additional requirements. Halimbawa, para sa mga sales positions, kailangang marunong uminom; para sa mga secretary, o reception front office agent, kailangang maganda o guwapo. Minsan, may mga private na tanong, gaya ng mayroon ka bang anak…?
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |