|
||||||||
|
||
Ngayong taon ay year of dragon sa lunar calendar ng Tsina. Dahil sa masuwerte ang taong ito, marami ang piniling ipanganak ngayon Dragon year. Dahil dito, tumataas nang tumataas ang sahod ng mga nanny Tsino. Sa Beijing, Shanghai, ang pinakamataas na presyo ng isang nanny ay lampas sa 15 libong RMB, mas mataas kaysa sa isang Doctor of Medicine.
Mayroon bang nanny sa Pilipinas? Mataas ba ang kanilang sahod? Anu-ano ang ginagawa nila?
Dito sa Tsina, pagkatapos ng panganganak ng isang babae, kailangan nilang magpahinga ng isang buwan, tinatawag namin itong "confinement in childbirth" o "zuo Yue zi." Sa panahong ito, maraming bawal gawin. Halimbawa, bawal maligo, bawal lumabas ang anak at nanay, at iba pa. Ang naturang nanny ay mag-alaga sa anak at nanay sa buwang ito.
Para sa mga anak, palitan ang diaper, mag-alaga ng umbilical cord, eksamin ang kalusugan ayon sa dumi, at iba pa.
Para sa mga nanay, gumawa sila ng nutritious diets lalo pa't nagpapasuso sila ng anak at iba pa.
Ayon sa isang imbestigasyon sa halos 100 nanny sa Beijing, 80% sa kanila ay kumita ng 5000 hanggang 8000 Yuan RMB bawat buwan, 10% sa kanila ay kumita ng lampas sa 8000 Yuan.
Ano ba ang dahilan nito?
Dahil sa One Child Policy, sa pangkaraniwang pamilya, isa lang ang anak. Lubos na pinahahalagahan ng mga magulang ang lahat na may kinalaman sa anak. Bukod dito, malaki ang presyur ng trabaho ng mga magulang, wala silang sapat na oras para malaman ang sapat na kaalaman hinggil sa "confinement in childbirth," totoong kailangan nila ang tulong sa pag-aalaga, nutrition, kalusugan at kalooban.
Mas mabuti kung gagawa ng mas marami ang mga magulang. Mas mabuti kung mag-aalaga sa anak ang mga magulang o kamag-anakan.
Kailangan ding ayusin ang ahensya kung saan kumukuha ng nanny, dapat mayroon professional na training, certification ang mga nanny, regulasyon sa kanilang serbisyo.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |