|
||||||||
|
||
Kamakailan, inorganisa ng pamahalaan ng Beijing ang isang grupong binubuo ng 11 libong tao para magpatnubay sa mga komunidad sa pagka-classify ng mga basura.
Dito sa Beijing, dalawang uri ang basurahan: ang isa ay para sa recyclable at ang isa naman para sa non-recyclable. Pero, medyo mahirap para sa mga mamamayan na i-identify kung anong basura ang non-recycle at ano ang recycle, kaya, kung minsan, walang epeckto ang pagka-classify ng mga basura.
Ang mga recyclable trash ay kinabibilangan ng papel, plastic bag, glass, tela at iba pa. Pagkaraang ma-recycle, ang mga ito ay magiging mga bagong produkto. Ito rin ang mabisang paraan ng pagtitipid ng yaman at enerhiya, at pagbabawas ng emisyon.
Halimbawa, ayon sa datos, bawat isang toneladang barusang papel ay magiging 850 kilong bagong papel; so, makakatipid ng 300 kilong tabla, at mababawasan ng 74% angemisyon. Ang bawat 1 toneladang basurang bakal at asero ay magiging 0.9 toneladang bagong bakal at asero at mababawasan nito ng 75% ang emisyon ng greenhouse gas.
Para sa mga left-over sa kusina, ang 1 tonelada ay magiging 0.3 toneladang patabang organiko.
Pero, may mga barusa na hindi puwedeng direktang itapon sa basurahan, gaya ng battery, fluorescent tube, mercury thermometer at expired drugs. Kailangan ng mga ito ang espesyal na packing at lalagyan.
Alam mo ba kung saan pumupunta ang mga basura?
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |