Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kalusugan sa panahong elektroniko

(GMT+08:00) 2012-05-18 14:43:27       CRI

Kamakailan, itinatag ng Fudan University ang isang organisasyon para tumulong sa mga estudyante na itakwil ang internet addiction. Ayon sa namamahalang tauhan ng naturang organisasyon, sa kasalukuyan, grabe ang addiction ng mga estudyante sa internet. Bawat araw, gumagastos sila ng maraming oras sa internet, naglalaro ng mga games, nanonood ng TV series, nagpupunta sa weibo, facebook, at nag-cha-chat…Parang kung sarado ang computer, hindi mabuti ang pakiramdam at hindi komportable. Aniya, ito ang katangian ng internet addiction.

Sa katotohanan, hindi lamang naging addicted ang mga tao sa internet, kundi sa mga produktong elektroniko rin.

Kapag naramdaman natin ang ginhawa na dulot ng mga produktong elektroniko, nahaharap tayo sa isang dilemma.

Halimbawa, cellphone addiction. (Sa tuwing tutunog ang ating mga cellphone, madalas nating tinitingnan o tsinitsek ang mga message o tawag. Kapag naman nalimutang dalhin ang cellphone o walang battery, nagiging di tayo komportable).

Sobrang dami ng oras na ginugugol natin sa pag-cha-chat sa internet, QQ, facebook, cellphone, at messenger, at ito ay posibleng hindi makabuti sa pagpapahigpit ng damdamin ng mga tao. Siyempre, ito ay maginhawa, lalo na sa mga taong malayo sa isat-isa, pero, kulang pa rin sa face-to-face connection, at hindi madaling malaman ang tunay na iniisip ng iyong kausap.

Alam mo ba ang mga typical disease na dulot ng computer?

Sa ating mga aktibidad araw-araw, talagang hindi dapat mawala ang ehersisyo, para mabawasan ang naturang mga sakit at mapanatiling malusog ang ating mga katawan at kalooban.

Mga paraan para magiging malusog sa panahong elektroniko.

1. Hanapin ang ibang interests and hobbies sa halip na pag-susurfing.

2. Dumalaw sa mga kaibigan sa halip na mag-chat sa internet.

3. Sa break time ng trabaho, gumawa ng mga outdoor games.

4. Pay attention to tamang gesture sa harap ng computer.

Bukod dito, mahalaga rin ang pang-araw-araw na diet. Para sa mga taong madalas na nagtatrabaho sa kapaligirang elektroniko, kailangang uminom ng gatas, kumain ng mas maraming karot, orange, itlog, at iba pang mga pagkaing mayaman sa vitamin A at protein. Makakatulong din ang green tea laban sa radiation ng mga electronics.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>