|
||||||||
|
||
Noong nagdaang Linggo ay Mother's Day. Ano ang regalo ninyo sa inyong nanay? Ako, tinawagan ko siya at pinadalhan ng telang sapatos na may tradisyonal na estilong Tsino. Dahil matanda na rin naman ang nanay ko, ang kombinyenteng sapatos ang magandang regalo para sa kanya sa tingin ko.
Ang nanay ko ay nakatira ngayon sa Zhengzhou, aking lupang tinubuan at punong lunsod ng Henan Province na halos 650 kilometro ang layo sa Beijing, kung saan ako nagtatrabaho at namumuhay. Sa high speed raiway, 5 at kalahating oras ang biyahe mula Beijing hanggang Zhengzhou; kung sa karaniwang tren, 7 oras. Kahit 45 minuto lamang by plane, dahil sa malayo ang bahay namin sa paliparan, mas kombinyente ang tren papunta sa lupang tinubuan ko.
Lagi akong bumabalik sa Zhengzhou sa mga pambansang pestibal na gaya ng Spring Festival at National Day, at sa aking taunang bakasyon. Dahil sa ganoong mga pagkakataon, maari akong tumigil sa tahanan, kasama ng aking nanay.
Napag-uusapan natin ang mga karanasan, ang pamumuhay, ang trabaho, ang kalusugan at iba pa. Parang di-maubus-ubos ang mga bagay na gusto nating pag-usapan. Pero ang pinakamahalagang bagay para sa aking nanay ay kung kailan ako mag-aasawa, kasi 28 taong gulang na nga naman ako pero single pa rin. Sa kanyang ideya, ang aking edad ay matanda na para sa pag-aasawa. Pero sa tingin ko, bata pa rin ako, di ba?
Sa Tsina ngayon, lalo na sa malalaking lunsod, parami nang parami ang mga kabataang tulad ko na nagtatrabaho at namumuhay nang malayo sa kanilang mga magulang. Kaya, sa tingin ko, dapat itakda ng pamahalaang Tsino ang Mother's Day bilang isang pambansang bakasyon para mabigyan ng pagkakataon ang mga kabataan na magsabi ng "I love you" sa harap mismo ng kanila mga nanay.
Tunghayan muna natin ang mensahe mula sa takapakinig. Sabi ni Liat: may mga pagkakataon na mas maganda pang kasama ang aso kaysa tao. Sabi naman ni Bong: talagang subok na loyalty ng aso. kung ikukumpara sa ibang hayop--o maski pa sa tao-- talagang matindi loyalty nito.
Tama, tama ka diyan. Sa tingin ko, ang aso ay naging angkan ng tao at ang relasyon sa pagitan ng aso at tao ay kasintamis at kasinhalaga ng relasyon sa pagitan ng magulang at anak, mga kamag-anakan, matalik na kaibian at magkasintahan, di ba? Kaya ang unang awitin nayong gabi ay ang "Darling," mula kay Lara Leung, isang bata at magandang babaeng mang-aawit mula sa Taiwan.
Kahit ang awiting ito ay pinamagatang "Darling," ang nilalaman naman nito ay may kinalaman sa kalungkutan na dulot ng paghihiwalay ng magkasintahan. Habang magkahiwalay ang mga magkasintahan, narealisa nila ang kahalagahan ng katapatan sa pagkamahal. Kung ganoon, mukhang mas maganda ang relasyon sa pagitan ng aso at tao, kasi hindi ilalaglag ng aso ang kanilang owner, kahit ano ang mangyari.
Si Lara Leung
Sabi ni Claire: gaano kainit sa beijing kung summer? mataas din ba ang relative humidity? Mare po, kahit hindi kasintaas ang temperature dito sa Beijing kaysa sa Pilipinas, pero tag-tuyo, kaunti ang mga puno at damo dito, walang hangin at lilim, kaya hindi presko ang pagkaramdam mo sa tag-init sa Beijing at madaling pagod sa trabaho at iba pang bagay.
Kung kayo ay madaling hapuin dahil sa matinding init ng panahon, Ang susunod na awitin, sa tingin ko, ay magbibigay sa inyo ng maraming enerhiya. Ang awiting ito ay isang rock style music na may pamagat na "The Other Shore" mula kay Cui Jian, unang popular rock singer sa Tsina.
Noong 1990s, Si Cui Jian ay nasa Beijing
Puno ba kayo ngayon ng enerhiya? Tinalakay natin kanina ang pagmamahal sa ating mga nanay, pero huwag naman nating kalilimutan ang ating mga tatay. Kung wala sila, wala rin tayo. Ok ang susunod na awitin ay ang "In the Name of the Father," mula kay Jay Chou.
Ano, sa palagay ninyo, ang imahe ng inyong tatay? Ayon sa tradisyonal na ideya sa Tsina, ang tatay ay mahigpit at siyang nangangasiwa sa lahat ng mga gawain ng anak. Kung magkakamali ang anak, pinapalo siya ng kaniyang tatay. Natatandaan ko pa na, noong maliit pa ako, kung may nagagawa akong kasalanan o kung hindi maganda ang resulta ng aking eksam, pinapalo ako ng tatay ko, kahit mabait siya sa akin sa ibang mga karaniwang araw. Ngayon, sa Tsina, kahit nagkakamali ang mga anak, kaunti lamang ang mga tatay na namamalo sa kanila. Sa katotohanan, masama ang loob ko pag pinapalo ako ng tatay ko. Pero ito ay nagturo sa akin na magtanda para hindi na maulit ang nagawang pagkakamali.
Itong muli si Ernest at sa ngalan ni Ate Sissi, sana manatiling malusog at masaya kayong lahat day and night.
Good night~
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |