|
||||||||
|
||
Ayon sa isang ulat mula sa weibo tungkol sa isang nanay na nakatawag ng mainitang diskusyon sa mga netizen ng Tsina. Ipinalabas niya ang snapshot ng isang spread sheet at dairy hinggil sa mga katangian ng nais niyang maging asawa ng kanyang anak na babae. Ang nasabing spread sheet ay naglalaman ng 27 istandard ng mga lalaking nakita niya, na kinabibilangan ng edad, timbang, tangkad, Hukou, karanasan sa pag-ibig, kolehiyo o unibersidad kung saan nagtapos, kursong kinuha, trabaho, sahod, kakayahan sa buhay, at pagsusulit hinggil sa personalidad. Ang dairy naman ay kanyang pagtaya at impresyon sa mga lalaking kanyang nakita.
Komprehensibo at mahigpit ang mga pamantayan ng nanay na ito sa kanyang mamanugangin. Sa kanyang dairy, may sinulat pa siyang, "pumunta ako sa kanyang kusina, mabaho ang fridge…"
Dito sa Tsina, kakaunti lamang ang gumagawa ng ganito. Pero, para sa maraming tao, talagang mahalaga ang external factor, sa paghahanap ng mapapangasawa: tulad ng mga kahilingan na sinulat ng naturang nanay.
Sa karaniwan, pinahahalagahan ng mga babae ang trabaho, sahod, Hukou, background ng lalaki, at pinahahalagahan naman ng mga lalaki ang edad, hitsura, at background ng babae.
Malaki ba ang impluwensya ng pamilya mo sa iyong pagpili ng asawa?
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |