Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China ika-22 2012

(GMT+08:00) 2012-06-04 20:55:19       CRI

Ang unang araw ng Hunyo dito sa Tsina ay Araw ng Kabataan. Ito ay ipinagdiriwang bilang pagpupugay sa mga kabataan at para maisulong ang kanilang mga kapakanan. Lagi nang may isang araw na bakasyon para sa mga estudyante sa mababang paaralan. Itinataguyod din ng mga paaralan ang panonood ng mga estudyante ng pelikula at pagpunta nila sa mga parke o matutulaing purok at pagsasagawa nila ng mga iba pang aktibidad bilang pagdiriwang sa espesyal na araw na ito. Ang mga pamahalaang lokal naman ay nagdaraos ng evening galas bilang pagdiriwang din sa araw na ito.

Sa alaala ko, masasayang masaya habang papalapit ang araw na ito, kasi walang pasok sa paaralan pero may pasok sa opisina ang aking mga magulang. Sa madaling sabi, malaya ako at walang mag-uutos sa akin, kaya puwede akong naglarao, kasama ng aking mga kaibigan sa labas-- sa kalye, sa parke, at iba pang mga lugar na pampubliko. Noong 1990s na panahon ng pagkabata ko, hindi gaanong maraming kotse, kaunti lang ang skyscrapes, maraming lugar na pampubliko at walang computer games, kaya pagkatapos ng pag-aaral, halos lahat ng mga bata ay naglalaro sa labas, at maaring makakilala ng mga bagong kaibigan. Siguro simple lang ang mga laruan, pero kasiya-siya naman ang paglalaro sa mga ito.  

Computer Game, pinakapopular na laruan para sa mga batang Tsino ngayon

Tunghayan muna natin ang mensahe mula sa takapakinig. Sabi ni Claire: there's no problem with lady gaga. Sabi naman ni Ingrid: I like lady gaga. she is just being herself. nagpapakatotoo lang siya.

Salamat po, mareng Claire at Ingrid. Sa tingin ko, ang superstars sa iba't ibang henerasyon ay magkakaiba. Halimbawa, noong bata pa ako, ang mga itinuturing kong superstars ay sina Andy Lau, Jackie Cheung, Jackie Chan, Jet Li at Zhou Yun-fat, pero ang superstars para sa aking mga magulang ay sina Guo Lanying, Hu Songhua, Li Shuangjia at iba pa. Ang mga superstar para sa aking mga magulang ay artist sa classic music o dance, pero ang aking mga superstar ay mga produkto na yari ng makabagong industriya ng paglilibang. Hindi gusto ng aking mga magulang ang aking mga superstar. Ipinalalagay nila na masama ang impluwensya nila sa aking pag-aaral at kilos. Pero para sa akin naman, old fashioned na ang kanilang mga superstar.

(Narito ang mga popular na laruan para sa mga batang Tsino bago 1990s)

Ang unang awiting ngayong gabi ay ang Zhong Kou Wei, o Love Until Dead, na inawit ni Eason Chan. Ang awiting ito ni Eason Chan ay isang awitin sa Cantonese, isang dialect na ginagamit sa Guangdong, Hong Kong at Macao. Noong 1990s, usung-uso ang mga awiting Cantonese at mainit na mainit ang pagtanggap dito ng mga mamamayang Tsino. Kasi, noong panahong iyon, hindi masyadong bukas ang Tsina sa labas at ang mga Hong Kong star ay unang pangkat ng mga star sa entertainment sector na pumasok sa mainland ng China. Pero kasunod ng pagbubukas ng Tsina sa labas, ang super star para sa mga batang Tsino ngayon ay, pangunahin na, galing sa Hollywood at ibang mga sector na gaya ng komersiyal, palakasan, at iba pa. Halimbawa, maraming fans si Jobs dito sa Tsina, pero hindi siya mula sa entertainment sector.

Dahil ganoon, naapektuhan nang malaki ng dayuhang elemento ang mga awiting Tsino. Ang katangian nito ay gustong haluan sng mga awing Tsino ng mga lirikong sa Ingles, Ok, ang susunod na awitin ay ganitong uri. Ito ay pinamagatang "Life," at inawit ni Hu Yanbin, isang kilala at mahusay na mang-aawit ng mainland ng China.

Sa katotohanan, noong mga bata pa tayo, ang mga superstar ay madaling nakakaimpluwensiya sa ating mga kilos at pag-iisip; pero, habang tayo ay nagkaka-edad, nagiging mas matalino at mahinahon tayo at hindi kaagad nadadala ng kilos at ideya ng mga superstar na gaya ng dati. Kaya, ang buhay ng tao ay parang isang biyahe: ang panahon ng pagkabata ay panahon ng pagsisimula lamang. Maganda talaga ang alaala at karanasan sa panahon ng pagkabata, pero ang mas makulay at magandang pamumuhay ay nasa tapat na landas ng buhay, di ba? Ok ang huling awitin ngayong gabi ay ang "Journey to Happy Skin, Happy Face," mula kay Penny Tai, Chinese Malaysian singer.  

Itong muli si Ernest at sa ngalan ni Ate Sissi, sana manatiling malusog at masaya kayong lahat day and night.

Good night~

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>