|
||||||||
|
||
Noong ika-5 ng Hunyo ay World Environment Day. Ang tema ng World Environment Day sa Tsina ay "Green Consumerism, Kumilos Ka Ba?" Mayroon ka bang ideya kung ano ang green consumerism?
3 pundamental na kahulugan ng green consumerism sa daigdig:
1. Bumili ng mga green products na hindi dumudumi at nakakabuti sa kalusugan ng daigdig;
2. Sa proseso ng paggamit ng mga produkto, maging maingat sa pagtatapon ng basura;
3. Pagtatatag ng natural at malusog na konsepto ng kosumo, pagpapahalaga at pangangalaga sa kapaligiran, pagtitipid sa enerhiya at yaman, para mapatupad ang isang sustenable at malusog na pagkosumo.
Ayon sa mga pananaliksik, maraming mungkahi hinggil sa green consumerism ang isinapubliko ng mga tao. Ilan sa mga ito ay mga sumusunod:
1. Bumili ng big size products para makatipid sa pabalot at materyal ng packing.
2. Bumili ng mga recyclable products, at bawasan ang paggamit ng disposable products.
3. Gumamit ng rechargeable battery.
4. Bumili ng mga second hand products at refurbished products.
5. Bumili ng shower head na maliit ang mga butas, para makatipid ang tubig.
6. Bumili ng Compact Fluorescent Lamp at mga energy saving housewares at furniture.
7. Gumamit ng mga natural at pollution-free products sa halip na chemical cleanser o insecticide.
8. Bumili ng matibay at dekalidad na gulong ng kotse, para makatipid ang gasolina.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |