|
||||||||
|
||
May isang salita sa Tsina-Hawak ng mga kababaihan ang kalahati ng langit. Ibig sabihin, ang mga kababaihan at kalalakihan ay parehong mahalaga sa lipunan, lalong lalo na sa trabaho. Pero, sa kasalukuyan, mayroon pa ring mga babae ang ayaw magtrabaho, at gustong maging full-time wife.
Bakit nila pinipiling manatili sa tahanan, sa halip ng pagtatrabaho?
3 ang pangunahing dahilan.
1. Pag-alaga sa anak. Nagtalakayan tayo noong isang linggo hinggil sa preschool education. Mula roon, nakita natin ang kahalagahan ng preschool education para sa isang bata, lalong lalo na, ang pagkalinga mula sa kanyang mga magulang. Para sa karamihan ng pamilya, ang tatay ang pangunahing namamahala sa pagkita ng pera. Para sa mga mayamang pamilya, pinipili nilang sila mismo ang nag-aalaga sa mga anak. Kaya, ang nanay ay naging full-time wife.
2. Buong lakas na pagtutulungan ng mag-asawa. May kasabihan nga na "sa likod ng bawat matagumpay na lalaki, ay isang babae." Kadalasan, masyadong abala ang tatay sa kanyang trabaho, kaya ang pananatili sa tahanan ng kanyang asawa ay nagsisilbing matatag na pagkatig sa kanya-Maayos at malinis ang kuwarto, mabuti ang kalagayan ng mga bata, laging nakahanda na ang hapunan at tubig na panligo, etc.
3. Mahirap ang paghahanap ng trabaho. Mas mahusay ang babae sa pag-aalaga sa tahanan. Kung minsan, kapag hindi pa siya nakakahanap ng angkop na trabaho, pansamantala siyang nanatili sa tahanan.
Mahalaga ba ang trabaho ng mga baabe sa tahanan?
Ayon sa pagtaya ng Tsina, ang sahod ng isang full-time wife ay mga 9600 Yuan RMB bawat buwan.
Sa palagay mo, masarap ba ang pagiging full-time wife? Gusto mo ba ang trabahong ito?
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |