![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Kalilipas lang ng walang-kasing-init na tag-init sa Beijing, at nararanasan dito ngayon ang pinakamagandang klima sa buong taon, kaya gusto kong mag-tour sa ibang mga lugar. Kung may sapat na panahon, gusto ko talaga na bumista sa Pilipinas, dahil sa mababait na mamamayan, magagandang tanawin at masasarap na pagkain.
Tulad ng alam ng lahat, malaki ang sakalw ng Tsina at nagkakaiba ang klima, kaugalian, katutubong sining, pagkain at tanawain sa iba't ibang lugar nito. Pero kung gusto po ninyong mag-tour sa Tsina, anong mga lugar ang unang pumapasok sa isip ninyo? Bukod sa Beijing, Shanghai, Sichuan, Guangzhou, Qingdao at Xiamen, may iba pa ba kayong lugar na gustong bisitahin? Kung gusto mong maranasan ang ibang istilong pamumuhay, pagkain, sining at klima, walang duda, ang magagandang pagpili ay ang mga lugar sa dakong hilaga at kanluran ng Tsina na gaya ng Xinjiang, Tibet, Qinghai, Shenyang, Xi'an at iba pa.
Tulad ng naiibang kalagayan sa iba't ibang lugar ng Tsina, marami din ang istilo ng musika. Kaya ang unang awiting ngayong gabi ay isang blues style na pinamagatang HERO, mula kay Su Xing, isang batang mang-aawit na Tsino. Macho–guwapito siya at mahusay ding kumanta.
Ano ang pamantayan para sa bayani? Sa awiting ito, ang Hero ay nagpapahiwatig ng diwa ng paghahanap ng katotohanan sa pamumuhay at pagtatagumpay sa mga kahirapan sa kapalaran.
Sa katotohanan, bukod sa nabanggit na mga lugar, may iba pang magagandang lugar sa Tsina na karapat-dapat na puntahan. Kung nais ninyong maglakbay sa Tsina, ano ang pinakaimportanteng bagay sa isang lugar na nakakaakit sa inyo?
Para sa akin, ang pinakaimportanteng bagay ay ang mga masasarap na pagkain. Tulad ng alam ng lahat, maraming masasarap na pagkain sa Pilipinas na gaya ng litson, adobo, biko, at iba pa. Ito ang isang mahalagang dahilan kaya gusto kong pumunta sa Pilipinas.
Noong 2008 at 2011, nakapunta ko ng dalawang beses sa Nanning, punong lunsod ng rehiyong awtonomo ng Guangxi sa dakong timog ng Tsina para koberhan ang China-ASEAN Expo o CAEXPO.
Ang karanasan doon ay nag-iwan ng malalim na impresyon sa akin. Dahil ang mga pagkain sa Nanning ay masarap, na hindi tulad ng mga pagkain sa Beijing na sobrang mamantika at maalat. Bukod dito, mayroong ding mga pagkain na bihirang makita sa dakong hilaga ng Tsina, na gaya ng mga uri ng noodles na gawa sa bigas.
Sa tingin ko, kahit hindi malaki ang lunsod na ito, maganda naman ang pamumuhay doon, dahil hindi masyadong mabilis ang ritmo ng trabaho at pamumuhay, sariwa ang hangin, malinis ang kalye, maraming puno, damo at bulaklak, at masasarap ang mga pagkain. Kung may pagkakataon, gusto kong tumira doon nang mahabang panahon.
Mahihirap na hinahanap ang isang awitin na tungkol sa mga pagkain, pero, ang isang napakaromentikong bagay ay pagpapahaginan ng mga masasarap na pagkain, kasama ng kasintahan ninyo. Pero kung wala kayong kasintahan, sorry na lang, mag-isa kayong kakain. Ok ang susunod na awtin ay ang Single Ladies Day, mula kay Jolin Tsai, babaeng mang-aawit na mula sa Taiwan, China.
Tulad ng sinasabi ng awitin, makapagtatamasa ang mga single ladies ng kanilang masasaya at mayamang pamumuhay kung weekend. Pero kung maraming single ladies, marami rin namang single boys. Bakit hindi sila magkakasamang mag-enjoy ng masasayang oras pagkatapos ng trabaho? Walang duda, mas romantic naman iyon.
Tunghayan natin ang mensahe mula sa tagapakinig. Sabi ni vic, tama, music is music, new or old. nasa attitude lang natin iyan atsaka sa pakahulugan natin sa music.
Sabi naman ni Shasha, magaganda selections niyo sa pop china. solved ako.
Sabi ni merry Jeanne, hi, kuya ernest. ako ay masugid na tagapakinig ng programang pop china. lagi akong nakikinig tuwing sabado. thanks for introducing Chinese pop songs to Filipino audience.
Salamat sa iyong walang sawang pakikinig. Sinu-sino ang paborito mong mang-aawit na Tsino? Paki-iwan ang mga pangalan nila sa aming message board, para mapatugtog ko ang kanilang mga kanta para sa inyo.
Ito muli si Ernest at sa ngalan ni Ate Sissi, sana manatiling malusog at masaya kayong lahat day and night. Good night~
Pop China Ika-37
Pop China Ika-36 Pop China Ika-35© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |