|
||||||||
|
||
Mga kaibigan, sa tingin ninyo, ang wedding proposal ba ay ang pinaka-di-malilimutang sandali sa inyong buhay? Sa mga kalalakihan, mahirap ba ang paghahanda para rito?
Dito sa Tsina, kasabay ng pag-unlad ng wedding industry, sumibol ang isang bagong karera para malutas ang naturang problema. Ito ay iyong mga tagapagplano ng wedding proposal.
Ang tagapagplano ng proposal ay tumutulong sa mga tao na gustong mag-propose sa kanilang nobya. Iniisip nila ang mga romantiko at magandang plano para sa proposal at inihahanda rin ang mga lugar at mga may kinalamang bagay para rito, para makuha ng mga nobyo ang matamis na "Oo" mula sa kanilang nobya.
Si Huwei ay isang tagapagplano ng proposal sa isang kompanya sa Suzhou. Ayon sa kanyang salaysay, ang pangunahing customer ng kanilang kompanya ay mga lalaking ipinanganak noong dekada otsenta (80). Gumagastos sila ng mga 5 hanggang 10 libong Yuan RMB para sa proposal. Aniya, bawat Valentine's Day, sila ay abalang-abala.
Sa tradisyonal na pamamaraan, ang mga lalaki ay hindi gumagamit ng tagaplano ng proposal. Sila mismo ang nagpaplano ng lahat ng bagay sa kanilang proposal. Kaya, bakit sumibol dito sa Tsina ang tagapagplano ng proposal?
Unang una, may kinalaman ito sa personality ng mga Tsino. Karamihan sa mga lalaking Tsino ay introvert, hindi sila mahusay sa pagsalita ng pag-ibig. Kaya, kung sila ay pagpopropose ng kasal, kailangan nila ang tulong.
Ang pinaka-importanteng elemento sa proposal ay pag-ibig ng mag-nobyo. Kung iniibig nila ang isat isa, kahit simple ang proposal, ayus na ayos na. Kung wala pa sa tamang panahon, kahit sobrang ganda ng proposal, posibleng mahirap na marinig ang "oo" ng babae.
Ang tunay na pag-ibig ay makikita sa pang-araw-araw na pamumuhay. Hindi sapat ang plano lamang sa proposal. Sa kasalukuyan, labis na pinahahalagahan ng mga tao ang paraan at porma ng proposal. Sa aking palagay, dapat gawing romantiko ang bawat araw, at kung maaari, dapat mo ring ipahayag ang iyong pag-ibig sa iyong nobya araw-araw. Sa madaling salita, kung posible, araw-araw ay dapat maging proposal day.
Bukod dito, kung gagamitin mo ang iyong sariling ideya sa pagpopropose, ipakikita nito ang mas sinserong pag-ibig.
Ang tagapagplano ay bagong bagay sa lipunang Tsino. Ano ang prospekto nito?
Ayon sa datos, sa buong Tsina, mayroong mahigit 20 libong kompanya ang nagbibigay ng plano o payo sa iba't ibang larangan, at halos 600 hanggang 800 libo ang mga kawani. Sa kabuuan, kulang pa ito sa pagharap sa pangangailangan ng publiko.
Sa kabilang dako, hindi mature ang kasalukuyang sistema ng mga tagapagplano sa iba't ibang larangan. Dahil sa malaking pangangailangan ng pamilihan, tiyak na mabilis na uunlad ang karerang ito.
Para naman sa tagapagplano ng wedding proposal, dahil may pangangailangan, maganda ang prospek nito.
Hindi kailangan ang malaki o malawak na okasyon. Dapat mas pahalagahan ang nilalaman at kailangang maging matapat.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |