Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Made in China

(GMT+08:00) 2012-11-27 16:37:32       CRI

Pamilyar ka ba sa salitang "Made in China?"

The Made in China label is one of the most recognizable labels in the world today due to China's rapidly developing large manufacturing industry. China is currently the largest exporter in the world and the Made in China label can be seen on a wide range of goods from clothing to electronics. U.S. law requires the country of origin of a product to be clearly displayed on the product, or on the product's container if it is enclosed, resulting in many corporations such as Apple labeling their products with "Designed by Apple in California Assembled in China".

Sa 2012 London Olympic Games, kapansin-pansin ang salitang "Made in China." Ang lahat ng fireworks ay yari sa Tsina. Ang mga uniform ng mga delegasyon ng maraming bansa ay yari sa Tsina. Sa mga produktong may kinalaman sa Olympiyada, 5 uri ng bedding, 19 na uri ng cup, 11 uri ng toy car, 190 uri ng brooch, 23 uri ng kasuotan, 4 na uri ng laruan, at 18 uri ng badge, wrist band at bracelet ang yari sa Tsina. Ang artificial turf, silya ng mga main stadium, at watawat ay yari din sa Tsina.

Bakit popular ang "Made in China?"

1. Mababa ang cost of labor sa Tsina;

2. Maganda ang patakaran ng pamahalaan na humihikayat sa pamumuhunang dayuhan;

3. Malaking pangangailagan ng mga mamamayang Tsino sa pamilihang pandaigdig.

Mula noong dekada 90, nagsimulang pumasok sa Tsina ang mga bahay-kalakal na dayuhan. Ang mga produkto ay mula kasuotan, laruan hanggang computer, at iba't ibang electronic products. Dahil dito, lumaki ang pagluluwas ng Tsina.

Kasabay nito, lumitaw ang pagtatalo hinggil sa masamang kalidad ng ilang produktong yari sa Tsina, at mga imbestigasyon hinggil sa anti-dumping ng mga produktong Tsino.

Normal ang mga ito sa larangan ng kalakalan, hindi lamang ito nangyayari sa Tsina, kundi sa iba pang bansa.

Ano naman kaya ang situwasyon ng mga produktong "Made in China" ngayon?

Sa mga franchised store ng mga pandaigdigang tatak na gaya ng Zara, Nike, at Adidas, ilan sa kanilang mga produkto ay yari sa Biyetnam, Kambodya, Indonesya, at iba pang bansa sa Timog Silangang Asya. Minsan, mayroon ding yari sa Pilipinas.

Dahil sa pagtaas ng cost of labor sa Tsina, lumulipat ang mga pabrika ng mga pandaigdigang tatak sa mga bansang mas mababa ang capital na gugulin, gaya ng Biyetnam, Kambodya, Indonesya, Bangladesh, at Mexico.

Ang isa pang dahilan ay pandaigdigang proteksyonismong pangkalakalan. Ang Tsina ay ang pinakamalaking bansa ng pagluluwas sa taong ito. Dahil dito, inaasahang mas magiging madalas ang kaso hinggil sa proteksyonismong pangkalakalan na nakatuon sa Tsina.

Dahil sa mga nabanggit mo, mas magiging kaunti ang makikita nating produktong "Made in China," dahil sa palagay ko, sa harap ng lumalalang krisis pang-eokonomiya, darami pang mga pabrika ang magsisilipatan sa mga bansa sa Timog Silangang Asya.

Ang mga bentahe ng pamumuhunan sa mga bansang Timog Silangang Asya:

1. Mas mababa ang cost of labor;

Ayon sa datos, ang capital na gugulin sa Biyetnam ay mas mababa nang 15% hanggang 30% kaysa sa Tsina.

2. Mga patakarang preperensiyal;

Sa Kambodya, para sa isang dayuhang bahay-kalakal, hindi nito kailangang magbayad ng anumang buwis sa unang 9 na taon.

3. Marami ang puwerto sa Timog Silangang Asya.

Mahalaga rin ang koneksyon ng pabrika sa lokalidad, dating tsanel ng pagbebenta, at iba pa.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>