Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Shidu Scenic Area

(GMT+08:00) 2012-11-27 16:19:58       CRI
Bungee Jumping ba ang hanap nyo? Tara! Pasyal na sa Shidu Scenic Area. Dahil malapit sa sentro ng Beijing, madaling mararating ang geological park na kabilang sa National AAA Scenic Spot ng Tsina.

Ayon kay kabayang Rhio Zablan na namasyal kasama ang asawa at mga kaibigan sa lugar, ang Shidu Scenic Area ay tinatawag ding Guilin of the North dahil sa kamangha-manghang Bundok ng Taibai at Ilog ng Juma na 20 kilometro ang haba.

Kung rafting ang trip, dalawa ang pagpipilian: rubber boat o mga balsang kawayan. Anu man ang mapusuan tiyak na mag-eenjoy sa pagsasagwan.

Kaya nyo bang sumuot sa makipot na siwang ng bundok? Hindi ito pwede sa mga mahina ang loob. Pero iba din ang pakiramdam kung makakahawak ng limestone formations, kakaibang hugis ng mga bato at makakita ng picture-perfect na taluktok ng bundok.

Di kumpleto ang nature trip sa Shidu kung hindi sasakay sa cable car. Kung mas matapang at di agad nalulula, lumipad parang ibon sakay ng zipline. May energy pa? Lakad na sa gilid ng bundok para masulit ang araw ng pahinga.

 

Magkano ang Shidu Tickets?

Longxian Palace: 40RMB

Fairy Peak Valley: 22RMB

Biboyuan Resort: 50RMB

Tianlu Mountain: LIBRE !!!

Fo Character for Dragon and Heaven and Pingxi Memorial Museum of the War Against Japanese Aggression: LIBRE !!!

The East Lake Port: 50RMB (entrance ticket) Dagdag na 60, 100, or 150 para sa ibang sites.

The West Lake Port: 32RMB

Gushan Village: 40RMB (entrance ticket) Dagdag na 60, 90, 110 or 150 para sa ibang sites.

Rafting: 30RMB / isang oras / balsa

Bungee: 205RMB

Cable Car: 55RMB

 

Paano pumunta sa Shidu?

Bus:

Sumakay ng No.917 bus, 3 oras mula Beijing papuntang Shidu.

Oras ng alis ng Bus 917: 7:00AM, 8:00AM, 12:30PM and 16:30PM

Tren :

Mula Beijing papunta sa Yesanpo, dadaan sa mga sumusunod na istasyon: Beijing West, Fengtai District, Shidu, Ping Valley, Yesanpo and Gouge Village.

Kotse:

Beijing– Jingshi Expressway Yan Village– Liangxiang– Fangshan District– Yunju Temple– Zhangfang– Shidu.

PAANYAYA

Kabayan kung kayo ay may magandang litrato ng mga tanawin o pasyalan sa anumang lungsod ng Tsina, baka pwede nyo itong ibahagi sa amin. Mag email lang sa filipino_section@yahoo.com. Wag kalimutang ibahagi ang kwento sa likod ng litrato

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>