Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Xinjiang Express

(GMT+08:00) 2012-11-27 16:20:36       CRI
Mga minorya at kanilang pananampalataya sa Islam, ito ang ilan sa mga bukod tanging katangian ng Xinjiang. Dumalaw dito si Lakay Ramon Escanillas Jr. bilang bahagi ng 100 Foreign Experts in Xinjiang, isang linggong pamamasyal upang ibahagi ang mga natamong kaunlaran sa nasabing rehiyon.

Ang Xinjiang ay isang otonomong rehiyon sa Tsina. Nasa hangganan nito ang mga sumusunod na bansa: Russia, Mongolia, Kazakhstan, Kyrgyzstan, Tajikistan, Afghanistan, Pakistan at India.

Dito naninirahan ang ilang mga katutubong lahi tulad ng Uyghur, Han, Kazakh, Hui, Kyrgyz, at Mongol, karamihan sa kanila ay nanampalataya sa Islam. Dahil dito isang naiibang karanasan ang pamamasyal sa Xinjiang.

Mga Pangunahing Lunsod

• Urumqi

• Turpan

• Kashgar

• Karamay

• Yining

• Shihezi

 

Nanshan Pasture Land ng Urumqi, lugar na pinaninirahan ng mga lahing Kazakh

 

(Kanan) Yourt – tirahan ng mga Kazakh sa Nanshan Pasture Land; (kaliwa)Tianchi River sa Urumqi, unang unang pinupuntahan ng mga bumubisita sa Xinjiang

 

Paghahanda para sa ikakasal na mga Kazakh

 

Mga dayuhang giliw na giliw sa pakikipagsayaw sa mga dalagitang Kazakh

 

Sa kaliwa, Emin Minaret, ang pinakamalaking sinaunang extant tower sa Xinjiang; ito ang tanging Islamic tower sa Tsina. Sa kanan, isang mosque

Itinayo ang Emin Minaret noong 1777 bilang pagdakila kay si Emin Khoja isang bayaning heneral na Turpan. Malaki ang inambag nya sa pangangalaga ng pagkakabuklod ng Tsina. Sa pasukan ng minaret makikita ang dalawang steles. Nakasulat sa wikang Tsino ang layunin ng minaret, pagbibigay pugay sa Qing Dynasty at ang mga exploits ni Emin Khoja. Samantala, nakaulit naman sa Uigur ang pasasalamat kay Allah.

Singil para makapasok CNY 25

Oras 08:50 to 20:00

Oras na dapat gugulin sa lugar Isang Oras

The Ruins of Jiaohe

Ang Ruins of Jiaohe ang pinakamalaki, pinaka-luma at best-preserved na lunsod na gawa sa putik sa buong mundo. Noong sinaunang panahon, ang Jiaohe ang kapital ng Chesi. Ayon sa kasaysayan dito nanirahan ang 6500 na tao at ito'y nasa pangangalaga ng 865 na mga sundalo.

Bayad: CNY 40

Oras na Bukas: 09:00 to 18:00

 

Ancient City of Gaochang sa kanan, at karaniwang sasakyan sa lugar, karitelang hila ng buriko sa kaliwa

Ancient City of Gaochang ay isang garrison noong 1st Century B.C. at ito ay isang mahalagang lugar sa Silk Road.

Bayad : CNY 20

Oras na Bukas: 08:00 - 17:00

Paano pumunta :

1. Sumakay ng tourist bus mula sa from Turpan to Doushan, titigil ito sa Shengjinkou, tapos lumipat sa mga motorsiklong babyehe papunta ng Gaochang.

2. Sumakay ng bus mula Turpan papuntang Sanbao Township Government, tapos sumakay ng motor papuntang Gaochang.

3. Mag taxi galing sa Turpan

 

Tuyugou Grand Canyon (kaliwa) Xinjiang Express (Kanan)

 

Grape Valley ng Turpan, kung saan nanggagaling ang iba't ibang uri ng matatamis na ubas na ipinagbibili sa Beijing

Mula Hunyo hanggang Agosto ang pinaka mainam na panahon para dumalaw sa Turpan. Ito ang panahon ng anihan ng matatamis na melon, ubas at samut saring mga prutas. Sa panahong ito ipinagdiriwang din ang Grape Festival.

Ancient Mummy Exhibition

Isa sa mga dapat puntahan sa Xinjiang ay ang Ancient Mummy Exhibition sa Xinjiang regional Museum. May siyam na mummies dito kabilang ang labi ng mag-asawang Shaman witch. Ang pinakamatandang mummy ay higit 3,000 taon na.

 

Sa kanan, Babaeng mananayaw na Uygur; sa kaliwa, mga musikerong Uygur na kilala sa kanilang husay sa pagkanta, pagsayaw at pagtugtong ng katutubong instrumento

PAANYAYA

Kabayan kung kayo ay may magandang litrato ng mga tanawin o pasyalan sa anumang lungsod ng Tsina, baka pwede nyo itong ibahagi sa aming mag email lang sa Filipino_section@yahoo.com. Wag kalimutang ibahagi ang kwento sa likod ng litrato.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>