|
||||||||
|
||
Ang Charity Supermarket ay mga supermarket na nagbebenta, nag-aabuloy, at nag-eempleyo ng mga boluntaryo. Sa Tsina, kahit hanggang noong katapusan ng 2010, mahigit 8 libo pa rin ang bilang ng mga CS sa buong bansa. Sa ngayon, hindi na masyadong kilala ng mga mamamayan ang mga CS dahil sa iba't ibang elemento. Sa Estados Unidos o ilang bansa, iba naman ang situwasyon.
Kumpara sa E.U. at iba pang maunlad na bansa, huli ang Goodwill Industries sa Tsina. Noong 2003, binuksan sa Shanghai ang unang CS ng Tsina. Ang mga produkto sa supermarket ay galing sa abuloy. Ibinenta ang mga ito sa presyong mas mababa kaysa sa karaniwang presyo sa mga normal na supermarket. Samantala, namahagi ng donasyon ang supermarket sa mga mahirap, at tinanggap ang donasyon mula sa iba't ibang panig. Noong panahong iyon, tumanggap ito ng lampas sa 40 milyong Yuan RMB.
Sa proseso ng pagbebenta ng mga donasyon, dalawang beses itong nakatulong sa mga mahirap. Una, binibili ng mga low-income residents ang mga produkto sa mababang presyo. Ikalawa, ang kita ay nakakatulong din sa mas mahihirap.
Ang naturang paraan ng pagpapatakbo ng CS ay labis na nakadepende sa donasyon. Dahil sa masyadong mabilis modernisasyon at pagbabago ng lipunan, maraming CS ang nagsarado dahil sa kakulangan produkto at donasyon. Sa Jinan, lalawigang Shandong, umabot sa 36 ang bilang ng CS noong mga panahong iyon. Pero, ngayon, 15 na lamang ang bukas. Ayon sa may kinalamang tauhan, kapag itinatatag ang CS noon, masiglang nagbibigay ng donasyon ang mga residente at bahay-kalakal. Pero, sa kasalukuyan, unti-unti nang nalimutan ito.
Ang isa pang naging problema sa CS ay ang lokalidad. Dahil hindi ito komersyal, maraming CS ang nasa liblib na pook, at mahirap na makita. Ilan sa mga ito ay nakikibahagi ng lugar sa iba pang opisina, parang isang organo ng pamahalaang lokal.
Samantala, ilang CS ang naging lugar para sa pagtanggap at pamamahagi lamang ng mga lamang. Nawala na ang punksyon nito bilang supermarket.
Ang CS sa Hujialou community, Chaoyang District, Beijing ay isang halimbawa.
Ayon sa kawani na si Hu Cuizhen, mayroon silang mantika, toyo, bigas, iba pang pagkain-butil, at mga lumang stationery, at muwebles. Ang mga ito ay pangunahing galing sa donasyon ng mga residente at bahay-kalakal, Civil Affairs Bureau, at pagbili mula sa wholesale dealer. Aniya, ibinebenta nila ang mga ito sa mga mahirap na mayroon certification lamang.
Paano mapapasigla muli ang mga CS sa Tsina? Ayon sa mga dalubhasa, kailangang itayo ang mga ito sa mga komersyal na lokasyon --- katulad ng Goodwill Industries ng Amerika. Kailangan din ang tulong ng pamahalaan. Halimbawa, tulong sa pagbabayad ng renta sa maganda at estratehikong lokasyon.
Nararapat ding palakasin ang kamalayan ng bawat mamamayan sa kabutihan ng pagbibigay-donasyon sa mga ito. At panghuli, kailangang isulong ang espirito ng boluntaryanismo, upang magkaroon ng mga trabahador sa mga ito.
Ang maayos na pamamahala sa mga CS ay mahalaga, para sa pagpapaabot ng tulong sa mga mahihirap. Sana ay muling mapalakas ang CS dito sa upang totohanang mabigyang-ginahawa ang mga kapus-palad.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |