|
||||||||
|
||
Noong nagdaang Singles' Day, naganap sa internet ang isang shopping spree. Ayon sa datos, sa loob ng 24 na oras, noong ng ika-11 ng Nobyembre, gumasta ang mga netizens ng 19.1 bilyong Yuan RMB sa mga online shopping website na tulad ng Taobao at Tmall. Ito ay ang pinakamataas na rekord ng paggasta sa kasaysayan ng on-line shopping.
Magkasamang gumawa ang Taobao at Tmall ng malakas na promosyon bago sumapit ang Singles' Day. Ipinatalastas nila ang 50% off sa halos lahat ng mga produkto sa dalawang website.
Obviously, matagumpay ang promosyon.
Sa isang interview, sinabi ni Zhang Yong, Executive Chairman ng Tmall, na mula noong 2009, sinimulan nilang gumawa ng ganitong klaseng promosyon sa Singles' Day. Simple ang layon nito --- ito ay para maipakilala sa mga tao ang Tmall.
Bakit pinili ng Tmall na gumawa ng promosyon sa Singles' Day? Ayon kay Zhang, bago ang ika-11 ng Nobyembre, mahaba ang bakasyon ng National Day sa Oktubre. Sa Disyembre naman, panahon ng pagdiriwang ng Kapaskuhan. Sa naturang dalawang kapistahan, malakas ang promosyon sa mga offline market o mall. Pero, sa Nobyembre, walang promosyon. Samantalang mayroon pa ring pangangailagan ang mga mamimili dahil sa tag-lamig. Kailangan nilang bumili ng down further jacket, makapal na cotton-padded coats, makapal na cotton-padded slippers, makapal na kumot, at iba pa. Kaya, ang Nobyembre ay oportunidad para sa mga online mall.
Mabuting estratehiya iyan. Pero, ang 19.1 bilyong Yuan RMB na sales volume ay malaking hamon sa teknolohiya ng network payment at express delivery, di ba? Para sa online shopping, karamihan ng pagbabayad ay natatapos sa network at ipinapadala sa pamamagitan ng express delivery. Posibleng maging mahirap ang pagbabayad dahil sa pagsikip ng internet o magiging mabagal ang pagpapadala ng mga produkto dahil sa dami ng delivery.
Ang mga ito ay ang mga concern ni Executive Chairman Zhang ng Tmall.
Kaya, gumawa ng lampas sa 800 emergency plan ang grupong teknolohikal ng Tmall, para maigarantiya ang maalwang online payment.
Para harapin ang malaking workload, pansamantalang dinagdagan ng mga kooperatibong kompanya ang kanilang delivery courier sa mga online shopping website.
Sa interview, sinabi ng isang courier na noong 2011, dahil sa Singles' Day, idiniliber niya ang halos 200 produkto sa isang araw. At noong Nobyembre na ito, kumita siya ng halos 10 libong Yuan RMB.
Sa taong ito, dinagdagan nang 20% hanggang 30%, ang karaniwang sahod ng mga courier, dahil sa mabuting pamilihan ng delivery.
Bukod sa paghahanda ng mga kawani. Pinalawak ng mga kompanya ng delivery ang storehouses at dinagdagan ang sasakyan.
Ano naman kaya ang reaksyon mula sa mga mamimili? Mabisa ba ang paghahanda?
Mayroon pa ring problema. Pero sa kabuuan, naging maayos ang pamimili ng mga tao.
Ayon sa datos, noong unang dalawang oras ng promosyon sa Singles' Day, umabot sa 439 milyong Yuan RMB ang sales volume. Dahil sa pagsikip sa internet, maraming tao ang nahirapang magbayad. Pero, pagkaraan nito, mas naging maalwan na ang pagbabayad.
Pagdating sa delivery, lkahit halos 80 milyon ang courier service noong Singles' Day, naging mahirap pa rin ang pagdedeliber. Kahit masikap na naghanda, maraming komanya ng delivery ang napuno at nawalan ng espasyo. Naging mas mabagal ang delivery. Kung karaniwa'y sa loob ng 2 araw ang pagdating ng produkto, noong Singles' Day, mga mahigit sa isang linggo.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |