|
||||||||
|
||
Mga kaibigan, pumasok na ang buwan ng Disyembre. At marami ang nagsasabi, na di umano, ang ika-21 ng Disyembre ay katapusan na ng mundo o "end of the world." Naniniwala ba kayo rito? Natatakot ba kayo? Nakahanda ka na ba na kaharapin ito?
Kasabay ng di umano'y paglapit ng katapusan ng daigdig, iba't iba ang reaksyon mga tao sa iba't ibang bansa.
Si Ginang Jiang ay isang retiradong engineer mula sa Nanjing. Kamakailan, ginamit niyang kolateral ang bahay ng pamilya para humiram ng mahigit isang milyong Yuan RMB mula sa bangko upang mag-donate sa mga mahirap na kabataan. Aniya, dahil malapit na ang katapusan ng daigdig. Gusto niyang gawin ang mga mahalagang bagay. Kaya, nag-donate siya ng pera sa mga kabataan para maligaya silang mamuhay.
Sa ibang dako naman ng mundo, ginawang katuwaan ng mga tao ang di umano'y katapusan ng daigdig.
Noong ika-7 ng buwang ito, sinabi ni Julia Gillard, PM ng Australya sa isang TV program ang kawili-wiling palagay hinggil dito. Aniya, naniniwala siya sa katapusan ng daigdig, at nakahanda niyang labanan ito, kasama ng mga mamamayan.
Nakakatuwa si Binibining Gillard. Itinuturing ito ng maraming mamamayang Australyano na regalo mula sa kanilang PM para sa Pasko.
Sa isang kompanya ng network technology sa Chengdu, Sichuan, tinanggap ng mga kawani ang isang notification hinggil sa katapusan ng daigdig.
Anang patalastas, dahil sa espesyal na katuturan ng ika-21 ng Disyembre, ipinasiya ng kompanya na suspendihin ang pasok ng lahat ng kawani sa ika-20 at ika-21 ng Disyembre. Iminungkahi ng kompanya na samantalahin ng mga kawani ang 2 araw para makasama ang pamilya. Nang tanungin kung bakit ginawa ang naturang desisyon, sinabi ng manager na kahit may pasok ang mga kawani sa naturang 2 araw, karamihan sa kanila ay hindi magpopokus, mas mabuti kung mag-relax na lamang sila.
Para sa mga mangangalakal, ang katapusan ng daigdig ay isang commercial opportunity.
Si Yang Zongfu ay isang negosyanteng galing sa lalawigang Zhejiang ng Tsina. Noong Agosto ng taong ito, sinimulan niya ang negosyo ng Chinese Noah's Ark. Ang Chinese Noah's Ark ay isang pabilog na aparato. Maaring mabuhay ang mga taong nasa loob nito kahit umabot pa sa 1700 degri sentigrado ang init, hindi rin ito mawawasak kahit mabagsakan ng 350 tonelada. Puwede itong maglayag sa dagat, at hindi ito tinatablan ng nuclear radiation at cosmic rays. Ang oxygen sa loob nito ay maaring tumagal ng kalahating buwan para sa 3 tao.
Kahit mahal ang Noah's Ark --- 1 milyon hanggang 5 milyong Yuan RMB bawat isa, hanggang sa kasalukuyan, tumanggap si Yang ng 21 order.
Rhio: Reaksyon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |