Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mabuting paraan ng paghubog sa anak

(GMT+08:00) 2012-12-18 19:02:23       CRI

Ano ang paraan mo sa paghubog ng iyong anak? Mahigpit o maluwag?

Ang anak ay parang isang malinis na papel, ang magulang ang kauna-unahang tao na guguhit sa papel na ito, kaya napakahalaga ng bawat ng kilos ng mga magulang.

Karamihan sa mga magulang ay mabait sa mga anak. Pero, ang labis kabaitan ay hahantong sa pagka-spoil ng bata.

Ang labis na pagmamahal ay magreresulta sa aksidente.

(Ayon sa Daily Mail ng Britanya, kamakailan, ipinalabas ng NTSB sa mass media ang resulta ng imbestigasyon sa pagbagsak ng helikopter ng pamilya ni Thomas J. Stewart. Dahil buong tigas na iginiit ng 5 taong gulang na anak na babae na makaupo sa upuan ng co-pilot, kaya umupo si Thomas J. Stewart sa upuan ng co-pilot at ang babae ay umupo sa kanya. Pero, tinadyakan ng bata ang mga aparato ng helikopter at nasira ang mga ito, kaya bumagsak ang helikopter at namatay ang lahat ng nakasakay. )

Dito sa Tsina, sa kasalukuyang lipunan, marami ang mga spoiled na anak, dahil karamihan ng pamilya ay iisa lang ang anak. Ang lahat ng atensyon at pagmamahal ng mga magulang at 2 lolo at lola ay nakapokus sa iisang anak. Labis ang pagkain, damit at laruan, pero kulang sila sa pagsasaalang-alang sa iba pang tao, pagsasarili, at katapangan.

May isang proverb: Spare the rod spoil the child.

Minsan, ang pagpalo sa bata ay mabisa sa paghubog ng kanyang kamalayan.

Sa modernong lipunan, ang mahigpit ay hindi katumbas ng Family Violence. Minsan, dahil sobrang bata pa ang anak, at hindi pa niya naunawaan ang katuwiran, at kung ano ang tama at mali, kailangan ang kahigpitan.

Para sa mga mayaman o matagumpay na magulang, ang pagiging mahigpit ay makakatulong sa paglaki ng mga anak.

(Si Tung Chee Hwa, unang Hong Kong Chief Executive, ay anak ni Dong Haoyun, isa sa mga 7 shipping mogul. Kahit mayaman at makapangyarian ang pamilya, sumasakay sa bus si Tung patungo sa paaralan, at namuhay siya ng normal na pamumuhay. Pagkatapos ng paaralan, sa halip na ipadala sa ibayong dagat, pumasok siya sa General Motors Corporation o GM, at nagsimula siya doon bilang isang karaniwang kawani. Ang kanyang 4 na taong karanasan sa GM ay naglatag ng matatag na pundasyon para sa kanyang hinaharap na karera.)

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>