|
||||||||
|
||
Ngayong araw, ika-25 ng Disyembre, ay araw ng Pasko, pinakamaringal na pestibal sa buong mundo, kaya, ipapauna ko na ang aking pagbati ng Maligayang Pasko sa inyong lahat. Sana ay maging masaya ang pagdiriwang nating lahat, kasama ng ating mga kaibigan at kamag-anak. Ang programa ngayong gabi ay isang espesyal na edisyon ng mga kuwento hinggil sa Pasko.
Tuwing panahon ng Kapaskuhan, ang awiting Jingle Bells ay mukhang naging theme song ng buong daigdig. Kahit hindi piyesta opisyal ang Pasko dito sa Tsina, walang duda, ipinagdiwang din ito ng mga mamamayang Tsino, lalo na ng mga kabataan.
Sa totoo lang, hindi naman apektado ng trabaho ang kasiglahan ng mga Tsino sa Pasko. Pagkatapos ng trabaho, masaya at masigla naman ang atmospera ng Pasko. Nakikitang itinatayo ang mga Christmas Tree sa mga plasa at shopping mall, puno ng tao ang mga restawran, sinehan at parke, kung saan idinaraos ang mga aktibidad bilang pagdiriwang sa Kapaskuhan.
Ang Kapaskuhan ay mas popular para sa mga kabataang Tsino, ito ay isa ring magandang pagkakataon para magpahayag ng damdamin ang mga kabataang lalaki sa kanilang mga sinisinta.
Ang Kapaskuhan ay isang pestibal na puno ng kagandahan, kasayahan, at kabutihan. Kaya sa susunod, ibabahagi namin sa inyo ang mga magagandang kuwento hinggil sa Pasko.
Ang una ay mula sa Tsina. Binisita kamakailan ng mga Santa Claus ang mga bata sa isang hospital sa Tianjin, sa dakong hilaga ng Tsina. Ang mga Santa Claus ay mga mga boluntaryo mula sa lunsod ng Tianjin at ang naturang mga bata ay may malubhang sakit sa dugo. Naging masaya ang naturang mga bata habang nakikipaglaro sa mga Santa Claus, na nagbigay sa kanila ng ibat-ibang regalo. Pinalakas ng naturang mga boluntaryo ang kalooban ng mga bata para sa pagharap nila sa kanilang karamdaman. Ito ay makakabuti sa kanilang paggaling sa lalong madaling panahon. Narito ang litrato hinggil dito.
Ang Pasko ay isa ring pagkakataon para arugain ang mga taong nasadlak sa malungkot na situwasyon. Sa Lunsod ng Newtown, Connecticut, sa Estados Unidos, itinanim ng mga mamamayang lokal ang 26 na Christmas Trees bilang paggunita sa 26 na nasawi sa insidente ng pamamaril na nangyari sa Sandy Hook Elementary School. Nag-alay ang mga tao ng regalo sa Christmas Trees para sa mga nasawing bata. Narito ang 2 litrato hinggil dito.
Sana, simula sa Paskong ito, sikapin nating lahat na gumawa ng mundong walang karahasan, lalung-lalo na laban sa mga bata.
Ang susunod ay isang kawili-wiling kuwento. Nagpadala ng mensaheng Pamasko ang mga pulis ng Surrey, Britanya sa mga mandurukot sa lugar na ito. Sa naturang mensahe, pinayuhan ng mga pulis ang mga mandurukot na pamsamantalang huwag munang trabaho para magkaroon ng isang magandang atmospera ang Pasko. Ang mensahe ay upang ipaalala rin sa mga mandurukot, na kung patuloy silang magnanakaw, dadakpin sila talaga ng mga pulis.
Ang susunod na kuwento ay naganap din sa Britanya. Nagpalabas ng Pamaskong pagbati ang ipinalabas ni Reyna Elizabeth II. Ang kakaiba rito, ito ay nasa 3D format. Narito ang 2 litrato hinggil dito.
Sa katotohanan, ang Pasko ay popular dito sa Tsina dahil sa epekto ng kulturang kanluranin at tinatanggap ito ng mga batang Tsino bilang isang mahalagang bahagi sa kanilang pamumuhay, pangunahing na, para palalimin ang kaugnayan sa kanilang mga kaibigan.
Bukod dito. May malaking impluwensiya rin ang Pasko sa pagpapasulong ng kabuhayan. Dahil para sa mga mangangalakal, ito ang magandang pagkakataon para ipromote ang kanilang mga produkto. Para sa mga tao sa buong mundo, gusto din nilang gumustos ng pera para sa Pasko
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |