|
||||||||
|
||
Kung gusto ninyong magrelaks at makinig ng musika, ano ang kadalasan ninyong ginagawa?
Para sa karamihang Tsino, kung gusto naming makinig ng musika, hindi kami bumibili ng CD. Sa halip, dina-download namin mula sa internet ang gustong kanta, saka pinapaknggan. Mas madali at matipid ang paraang ito. Pero, posibleng mabago ang situwasyong ito sa 2013, nakatakdang kanselahin ng mga online music website ang kanilang libreng serbisyo sa Tsina, at sisimulang mag-charge sa pag-download ng mga musika. Ang presyo ay 1 Yuan RMB bawat kanta.
Kumakatig ka ba sa pagbayad sa cyber music?
1. Ang aksyong ito ay nagpapakita ng pangangalaga at paggalang sa pagmamay-ari ng mga likhang-isip, IPR.
2. Ang pangangalaga sa IPR sa internet at pagbabayad sa paggamit ng IPR ay magpapasigla sa inobasyon sa internet, gaya ng mga artikulo, software, at iba pa.
Para sa mga cyber singer, gaya ni PSY, mang-aawit ng Gangnam Style, naging kilala siya dahil sa libreng cyber music. Kung magkakaroon ng bayad ang pagda-download ng kanta sa internet, magiging mas mahirap na palaganapin ng mga mang-aawit na kagaya ni PSY ang kanilang mga kanta, mawawalan sila ng listeners, at mawawala din ang maraming magandang kanta.
Ang problema ay posibleng hindi matanggap ng mga Tsino ang naturang desisyon.
Kasi, mahal ang CD dito sa Tsina, mga 20 Yuan RMB ang pinakamura. Kung mas kilala ang mang-aawit, mas mahal ang CD, baka lampas sa 100 Yuan RMB.
Kung magkakaroon ng bayad ang cyber music, 1 Yuan RMB ang bawat awit, ang pagkinig sa musika ay magiging maluho.
Ganito din ang situwasyon ng mga pelikula dito sa Tsina. Kung pupunta kayo sa sinehan para manood ng mga bagong pelikula, ang karaniwang presyo ay 80 Yuan RMB bawat pelikula. Kaya, pinipili ng maraming tao na maghintay ng ilang buwan, hanggang ipalabas ang pelikula sa mga website gaya ng Funshion, sohu, youku, upang mapanood ito nang libre. Pero, minsan, wala sa internet ang ilang pelikula.
Ang mataas na presyo ay posibleng magdulot ng paglaganap ng mga fake CD. Kasi, 5 Yuan RMB lamang ang fake CD. Sobrang mura at okay naman ang kalidad.
Ang musika at pelikula ay mahalagang aktibidad na pang-aliwan, at mahalaga ring bahagi ng kultura ng isang bansa. Dapat hindi ito gawing isang maluhong bagay para sa mga mamamayan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |