Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Anti-corruption through Weibo

(GMT+08:00) 2013-02-27 10:43:28       CRI

Ano sa palagay mo ang gamit ng Weibo-microblogging service sa Tsina, parang Twitter?

Dito sa Tsina, nagiging mas kapuna-puna ang isa pang gamit ng Weibo, ito ay paglaban sa korupsyon. Gaya ng kaso ng "Brother Wristwatch."

Si Yang Dacai

Si Yang Dacai is dating puno ng Work Safety Administration sa lalawigan ng Shaanxi. Inalis sya sa pwesto matapos kumalat sa internet ang litrato nya sa lugar kung saan naganap ang isang bus crash. Binatikos ito dahil naka ngiti syang nagpakuha ng litrato kung saan naganap ang aksidente. Pero di natapos ang dito ang kwento dahil mula sa kanyang kawalang ng simpatya natuon ang pansin sa kanyang pagiging tiwali.

Dahil nang sipatin ang larawan at binusisi ito kasama ang ilan pang mga larawan nakita ang kanyang koleksyon ng mamahaling mga relo. Nasa pag aari nya ang halos 11 mamahaling relo tulad ng Montblanc na nagkakahalaga ng 5000RMB at OMEGA na ang presyo ay 10000RMB. Pero sabi ni Yang lahat ng ito ay binili nya gamit ang perang lagal na kinita.

Pagkatapos ng insidenteng ito, mataimtim na isinagawa ng may kinalamang departamento ang imbestigasyon sa "Brother Wristwatch,"at ngayon, pinatalsik na siya sa Partido Komunista ng Tsina o CPC, at ipinadala na ang kanyang kaso sa korte.

Bukod sa iligal na kita, isinisiwalat din sa Weibo ang mga kalaguyo (lovers), sex videos, sobrang dami ng pag-aaring mga bahay, at iba pang isyu ng ilangopisyal. Ayon sa datos, hanggang sa katapusan ng 2012, umabot na sa 300 milyon ang gumagamit ng Weibo.

Kasabay ng paglaganap ng anti-corruption sa pamamagitan ng Weibo, naging napakahalaga para sa paglaban sa korupsyon ang sumusunod na proseso: i-lantad ng Weibo--- mag-isampa sa Discipline Inspection Commission---at suriin ng may kinalamang departamento ang kaso. Noong 2012, 19 na kaso ng korupsyon ang natuklasan sa weibo.

Pero kung minsan, hindi totoo ang ilang impormasyon ng Weibo. Minsan di sinasadyang nakakapinsala ang Weibo sa ilang opisyal.

Paano natin mas mabuting gamitin ang weibo para sa paglaban sa korupsyon?

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>