Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga mainit na isyu sa mga sesyon ng NPC at CPPCC sa taong 2013

(GMT+08:00) 2013-03-08 18:47:59       CRI

Binuksan dito sa Beijing kamakalawa ang unang sesyon ng ika-12 Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino o CPPCC at binuksan naman kaninang umaga ang unang sesyon ng ika-12 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina o NPC. Buong pananabik na inaasahan ng mga mamamayang Tsino ang mga bagong patakarang ilalabas sa mga sesyong ito. Pinagtutuunan naman ng pansin ng komunidad ng daigdig ang naturang dalawang sesyon.

Anu-ano kaya ang mga iyung pinagtutuunan ng pinakamaraming pansin ng mga mamamayang Tsino?

Ginawa ng www.people.com.cn, website ng People's Daily ang isang survey hinggil sa CPPCC at NPC, lumahok dito ang 1.2 milyong netizens. Pinili nila ang 10 isyung pinagtutuunan ng pinakamaraming pansin. Kabilang dito ang seguridad panlipunan, pamamahagi ng national income, pagbaka sa kabulukan at pagtataguyod ng malinis na pamahalaan, housing security,reporma sa paghahanap ng solusyon,pagpapatatag ng presyo ng paninda, kaligtasan ng pagkain at gamot, pamamahala sa estado sa pamamagitan ng batas, reporma sa sistema ng administrasyon, at konstruksyong pandepensa.

Ang seguridad na panlipunan ay 4 na taong singkad na naging pinakamainit na isyu ng ganitong survey. Ipinakita nito ang kahilingan ng mga mamamayan sa paggarantiya ng pundamental na pamumuhay.

Ngayong taon, tungkol sa isyu ng seguridad na panlipunan, umikot ang mga tanong sa flexible retirement, pagpapataas ng pensiyon. 97% ng mga recipients ay ipinalalay na dapat itaas ang pensiyon ng mga mga retirado ng mga bahay-kalakal, 84% ay kumakatig sa pagsasagawa ng flexible retirement.

Samantala, dapat nating makita ang pagsisikap ng pamahalaang Tsino para mapabuti ang seguridad na panlipunan. Ayon sa Government Working Report ni Premyer Wen Jiabao ng Tsina kaninang umaga, nitong nakalipas ng 5 taon, pinatatag ng pamahalaan ang bagong sistema ng social insurance para sa matatanda na sumasaklaw ng buong bansa. Pinalalim ang reporma sa sistema ng kalusugan at pagamutan at pinatatag ang bagong sistema ng kooperasyong pangkalusugan sa mga kanayunan at saligang medical insurance system para sa mga residente ng lunsod para inisyal na buuin ang medical insurance system na sumasaklaw ng buong sambayanang Tsino. Pinabuti ang sistema ng subsidized housing sa mga lunsod para sumaklaw ng mas maraming lugar.

Tungkol sa pamamahagi ng national income, 98% ng mga netizens ay ipinalalagay na malaki ang agwat ng pagkita ng mga mahirap at mayaman, at malubha ang polarisasyon ng lipunan. 60% ng mga netizens ay ipinalalagay na ang pagpapataas ng sahod at pagsasaayos ng regular na mekanismo ng paglaki ng sahod ay makakabisa sa pagpapaliit ng naturang agwat.

Mac: Kaugnay ng pagbaka sa kabulukan at pagtataguyod ng malinis na pamahalaan, 72% ng mga netizens ay nakahandang lumahok sa cyber anti-corruption. 97% naman ng netizens ay kumakatig sa property declaration and publicity ng mga opisyal para pigilan ang korupsyon.

Tungkol sa housing security, ipinalalagay ng 93% netizens na hindi tinanggap nila ang kasalukuyang mataas na presyo ng housing, at 45% sa kanila ay inimungkahing gamitin ang mas maraming lupain sa konstruksyon ng subsidized housing.

Mac: Tungkol sa pagpapagamot, 70% ng netizens ay ipinalalagay na kailangang ibayo pang pataasin ng mga doktor ang moralidad, para makuha ang pagtitiwala ng mga maysakit sa kanila. Ipinalalagay ng 81% netizens na mahal pa rin ang presyo ng mga gamot.

Tungkol sa presyo ng paninda, ipinalalagay ng 78% ng respondents na tataas pa rin sa taong ito ang CPI.

Nabanggit din ni Premyer Wen sa ulat ang balak ng pamahalaan hinggil sa CPI. Aniya, "sa mula't mula pa'y, ang pagpapanatili ng matatag na kabuuang lebel ng presyo ng paninda ay mahalagang target ng makro-kontrol. Dapat kontrolin ang Consumer Price Index (CPI) sa 3.5%. Dapat aktuwal na igarantiya ang pag-suplay ng mahalagang paninda, pababain ang gastusin ng paghahatid, palakasin ang pagsusuberbisa at pamamahala sa presyo ng pamilihan, at panatilihin ang pundamental na katatagan ng pangkahalatang lebel ng presyo ng paninda."

Bukod sa mga naturang mga isyu, nilista naman sa ulat ni Premyer Wen ang mga problema ng lipunang Tsino, gaya ng problema ng pagiging di-balanse, di-koordinado at di-sustenable ng pag-unlad sa lipunan, di-makatuwirang estrukturang industriyal, mahinang pundasyon ng industriyang agricultural, masidhing kontradiksyon sa pagitan ng pag-unlad ng kabuhayan at yaman ng kapaligiran, napakalaking agwat ng pag-unlad at pagbabahagi ng kita ng mga residente sa pagitan ng lunsod at nayon, at problema sa edukasyon, pagtatrabaho, at iba pa.

Ayon pa kay Wen, naganap ang ilang problema dahil sa pagtitipon ng mga kamalian sa mahabang panahon; para sa ilang problema, naganap sila sa proseso ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan, at ang pagkakaroon ng ilang problema ay dahil sa kakulangan ng gawain ng pamahalaan. Batay sa diwa ng pagiging responsable sa estado at mga mamamayan, dapat mabilis na lutasin ng pamahalaan ang mga umiiral na problema para hindi mabigo ang pag-asa ng mga mamamayan.

Maganda ang pagpapakita ng mga problema, sana patuloy na magsisikap ang bagong pamahalaan para tunay na makapagtamasa ang mga mamamayang Tsino ng pag-unlad ng bansa.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>