Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Reporma at pagbabago sa NPC at CPPCC

(GMT+08:00) 2013-03-13 19:10:04       CRI

Itong mga linggong ito ay panahon ng NPC&CPPCC 2013 Annual Sessions. Kaninang umaga, ipininid ang unang sesyon ng ika-12 CPPCC, pero magpapatuloy pa ang sesyon ng NPC hanggang ika-17 ng buwang ito.

Nitong nakalipas na mahigit na isang linggo, iniharap at tinalakay sa dalawang sesyon ang mga mungkahi o plano sa iba't ibang larangan na may mahigpit na kaugnayaan sa pamumuhay ng mga Tsino at may epekto sa daigdig.

Isa sa mga mahalagang plano ay tungkol sa reporma at pagbabago ng tungkulin ng mga organo ng Koseho ng Estado ng Tsina.

Isinapubliko kamakalawa ng umaga ang plano sa reporma at pagbabago ng tungkulin ng mga organo ng Konseho ng Estado ng Tsina, at siminulan na ang ika-7 malawakang reporma sa mga organo ng Konseho na ito.

Kaungay nito, ipinahayag ni Ma Kai, Kasangguni ng Estado at Pangkalahatang Kalihim ng Konseho ng Estado ng Tsina, na ang pagbabago sa mga tungkulin ng pamahalaan ay nukleo ng pagpapalalim ng reporma sa sistemang administratibo.

Anu-ano ba ang mga pagbabagong ito?

Unang Una, ayon sa naturang plano, bubuuin ang General Administration of Food and Drugs. Magsusuperbisa at mangangasiwa ang departamentong ito sa kaligtasan ng pagkain at gamot sa proseso ng produksyon, sirkulasyon at konsumo, para mapataas ang lebel ng kaligtasan at kalidad ng pagkain at gamot.

Bukod sa larangan ng kaligtasan ng pagkain at gamot, ang kasalukuyang reporma ay may kinalaman din sa mga organo ng daambakal, kalusugan at pagpaplano ng pamilya, pahayagan, publikasyon, radio, pelikula at telebisyon, dagat, at pangangasiwa sa enerhiya. Kabilang dito, bubuwagin ang Ministri ng Daambakal. Ang administratibong tungkulin nito sa pagtatakda ng plano at patakaran sa pag-unlad ng daambakal ay mabibilang sa Ministri ng Transportasyon, at isasabalikat ng bagong bubuuing State Railway Administration ang iba pang administratibong tungkulin nito. Bubuuin din ang China Railway Corporation para mamahala sa mga aktibidad ng pamamalakad ng Ministri ng Daambakal.

Upang mapasulong ang pagpapatupad ng batas sa dagat, at mapataas ang kakayahan at episyensiya ng pagpapatupad ng batas, muling bubuuin ang State Oceanic Administration para pagsama-samahin ang mga tungkulin ng kasalukuyang State Oceanic Administration, China Maritime Surveillance, China Coast Guard ng Ministri ng Seguridad na Pampubliko, Kawanihan ng Pangingisda ng Ministri ng Agrikultura, at police troop ng pagbibigay-dagok sa pagpupuslit na pandagat ng General Administration of Customs.

Sa darating na ilang araw, susuriin ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC) ang nabanggit na plano. Kung mapapagtibay ang planong ito, magsisilbi itong mahalagang hakbangin sa reporma ng bagong pamahalaan.

Ang reporma at pagbabago sa mga organo ng pamahalaang Tsino ay naglalayong mas mabisa at epektibong makapagsilbi ang pamahalaan sa mga mamamayan. Sana'y maisakatuparan ang naturang magandang mithiin.

Buong pananabik na aantabayanan ng mga mamamayang Tsino ang mga bagong patakarang ilalabas sa dalawang sesyon. Pinagtutuunan din ng pansin ng komunidad ng daigdig ang naturang dalawang sesyon.

Ulat ni Carmelo Acuna, CBCP ng Pilipinas:

Magsusuri ang General Secretary ng Central Committee ng Communist Party of China

NANINIWALA si Dr. Clarita Carlos, isang political analyst at dating pangulo ng National Defense College of the Philippines na magkakaroon ng paninimbang sa mga isyung kinakaharap ng Tsina at ng Asya.

Sa isang panayam sa kanyang tahanan sa Pamantasan ng Pilipinas, sinabi ni Dr. Carlos na maraming umaasang ipagpapatuloy ni Ginoong Xi ang mga nasimulan ng kanyang hahalinhan sa mga susunod na ilang araw.

Isa sa mga mahahalagang isyu na nararapat pag-aralan ay ang mga kabataang nais magkaroon ng access sa social media. Mahalaga ito sapagkat ang anumang madaliang pagluluwag tulad ng naganap sa Union of Soviet Socialist Republics ang naging dahilan ng pagkakahiwalay ng malawak na pamahalaan.

Mahalaga ring pag-aralan at suriin ni Ginoong Xi bilang general secretary ng Central Committee ng Communist Party of China ay ang relasyon ng bansa sa mga kalapit-bansa sa rehiyon tulad ng Pilipinas, Vietnam at Japan. Isa umanong plus factor sa Tsina ang pagkakaroon ng mas malalim na pakikipagkaibigan at pakikipag-unawaan upang lumago ang kalakal.

Naniniwala din si Dr. Carlos na hindi makikialam ang Estados Unidos sa nagaganap sa pag-itan ng Tsina at mga bansa sa Asia sapagkat malaking bahagi ng salaping umiikot sa America ay mula sa Tsina.

Ipinaabot din ng ating magiliw na tagasubaybay ang kanilang pagbati at palagay hinggil sa NPC&CPPCC. Pakinggan natin.

Beyonce: isa sa magandang punto ay kapag nasama sa plano, nagiging totoo yun ang nangyari sa panahon ni wen. kaya dapat tupdin ni xi ang mga balak nya sa loob ng tinakdang panahon

Stephanie lim: ang present standard of living ng mga chinese at status ng china sa mundo ay reflection ng trabaho ng chinese leadership at ng national people\'s congress.

Carol: the thing that i like with NPC is it reassures the people with actions, not with political rhetorics.

Mulong: ka ramon, cguro alam mo na na matagal ko nang sinusubaybayan itong npc at cpcc. kasama ako sa maraming tagahanga nito. napakahusay manilbihan sa bayan ang kongresong ito at naniniwala ako na tapat ito sa mga mamamayan na nagluklok sa kanila.

Tungkol sa NPC at CPPCC, isinagawa rin ng CRI ang mga panayam sa mga opisyal ng iba pang bansa.

Kinapanayam kahapon ng mamamahayag ng China Radio International (CRI) si Chaiwat Rattanaprasit, Presidente ng Thailand National Education Radio, hinggil sa kasalukuyang idinaraos na "Dalawang Sesyon" ng Tsina.

Sa panayam, ipinahayag ni Chaiwat Rattanaprasit, na malaki ang katuturan ng naturang "Dalawang Sesyon", at malalim ang impluwensiya nito. Ito aniya ay hindi lamang may kinalaman sa pag-unlad ng sariling kabuhayan ng Tsina, kundi makakapagdulot pa ng malalimang impluwensiya sa kabuhayan ng Asya at buong daigdig.

Binigyang-pansin din niya ang opinyong "malinaw na administrasyon" na binanggit ni Premyer Wen Jiabao. Ipinalalagay niya na ang pagpapatupad ng opinyong ito ay tiyak na makakapagpasulong ng sistemang pulitkal ng Tsina.

Sa darating na 5 araw, pagbobotohan ang naturang plano tungkol sa reporma at pagbabago ng tungkulin ng mga organo ng Koseho ng Estado, ihahalal ang bagong Tagapangulo ng Pirmihang Lupon ng NPC, Pangulo, Premyer, at iba pang mataas na opisyal ng Tsina.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>