|
||||||||
|
||
Ipininid noong nakaraang Linggo ang Unang Sesyon ng Ika-12 Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina. Dito, naihalal ang mga bagong lider ng Tsina at sinimulan ang mga reporma sa iba't ibang larangan.
Balik-tanawin natin ang sesyong ito at sesyon ng Ika-12 Politikal na Konsultatibong Kapulungan ng Mamamayang Tsino (CPPCC), kapansin-pansin ang mga pagkakaiba kumpara sa mga dating sesyon. Sa taong ito, mas matipid ang nasabing dalawang pagtitipon.
Tungkol sa mga pulong, nabawasan ng isang araw ang panahon ng dalawang sesyon; mas kaunti ang materyal na papel; mas maikli at direkta ang mga talumpati; mas marami ang pragmatikong opinyon at palagay sa halip na paliguy-ligoy na salita.
Ang Government Working Report ni dating Premyer Wen Jiabao ay nabawasan nang halos 3000 characters kumpara noong isang linggo.
Sa Great Hall of the People, pook ng pinagdarausan ng mga kapulungan, hindi tulad ng dati, walang mga bulaklak sa desk o presidium, wala na rin ang mga pulang carpet.
Sa panahon ng pagbibigay ng talumpati at panel discussion, hindi natin nakita ang mga kopya ng talumpati. Naroon lamang sa desk ng bawat kinatawan ang isang notebook at lapis. Kung gusto nila ng kopya, kailangan nilang mag-log-on sa nakatakdang website para makuha at mabasa ito. Napag-alamang, mahigit 2 milyong Yuan RMB ang natipid sa naturang paperless na pulong.
Wala na rin ang mga halaman bilang decoration. Bawat halaman aynakabawas ng 20 hanggang 30 Yuan RMB sa gastusin, at ang bawat bulaklak naman ay nakabawas ng mga 100 Yuan RMB.
Ang naturang pera ay galing sa badget ng pamahalaan, buwis ng mga mamamayan. Ang tinipid na pera ay puwedeng gamitin sa iba pang pragmatikong larangan para mapabuti ang pamumuhay ng mga mamamayan.
Tingnan naman natin ang mga kinatawan. Mayroon ding pagkakaiba sa kanila. Hindi natin nakita ang mga mahal na damit, walang Dior glasses, Hermes belt. Wala din ang heavy make-up.
Para sa 3 meals ng mga kinatawan, walang lobster o shark's fin, home cooking at simpleng buffet lamang. Katulad ng pagtalakay natin noong isang episode ng Diretsahan, lumahok din ang mga kinatawan sa "Clear your plate" campaign.
Meals ng mga kinatawan
Andrea: Totohanang nagsagawa ang mga kintawan ng "low carbon" at "energy saving." Ilan sa kanila ay dumating sa otel sakay sa bisikleta o nag-carpool. Sa pananatili sa Beijing, kapag lumalabas sila, hindi sinasarhan ang mga lansangan, at walang wangwang.
Sa kanilang otel naman, walang streamer bilang welkam, at kailangan din dalhin ng mga kinatawang ang sari-sariling toiletries.
Ang kagandahan nito ay nakakatipid ng oras ang mga kinatawan at lubos nilang sinamantala ang pagkakataon para mataimtim na pakinggan at suriin ang mga report, at iniharap ang mga mungkahi.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |